Saturday , November 16 2024
Maldivian Minister of Fisheries and Agriculture Ibrahim Didi signs a document calling on all countries to cut down their carbon dioxide emissions ahead of a major U.N. climate change conference in December in Copenhagen, in Girifushi, Maldives, Saturday, Oct. 17, 2009. Government ministers in scuba gear held an underwater meeting of the Maldives' Cabinet to highlight the threat global warming poses to the lowest-lying nation on earth. Maldivian President Mohammed Nasheed led Saturday's meeting around a table on the sea floor, 20 feet (6 meters) below the surface, with ministers communicating using white boards and hand signals. (AP Photo/Mohammed Seeneen)

Gov’t meeting ginawa sa ilalim ng dagat

ALAM ba ninyo na noong 2009 ay nagsagawa ng pagpupulong ang mga opisyale ng gobyerno sa kailaliman ng dagat?

Totoo nga ito. Nagsuot ng scuba gear ang mga miyembro ng Gabinete ng Maldives at gumamit ng mga hand signal para magpulong sa opisyal na government meeting na isinagawa sa ilalim ng  dagat para bigyang-diin ang halaga ng pagtugon sa banta ng global warming sa buong mundo, partikular sa kanilang bansa na itinuturing na ‘lowest-lying nation on earth.’

Sinadyang lumusong sa kailaliman ng dagat ni Maldives president Mohammed Nasheed at 13 niyang opisyal para magpulong sa isang mesang inilagay sa sahig ng dagat — 20 talam­pakan sa ilalim ng dagat sa Laguna kalapit ng isla ng Girifushi.

Kasama ang back­drop na mga koral, isina­gawa ang ‘underwater meeting’ para makakuha ng atensiyon sa mundo ukol sa mga pangamba ng tumataas na sea levels na bunsod ng natutunaw na yelo sa polar ice caps.

Kapag hindi naa­batan ito, maaaring mag­resulta ito sa paglubog ng Indian Ocean archipelago sa loob ng isang daang taon.

“What we are trying to make people realize is that the Maldives is a frontline state. This is not merely an issue for the Maldives but for the world,” punto ni Nasheed.

Habang bumubuga ng mga bula mula sa kanilang mga face mask, lumagda ang pangulo at ang kanyang pangalawang pangulo, Cabinet secretary at 11 ministro sa dokumentong panawagan  sa lahat ng bansa na tigilan o bawasan ang kanilang carbon dioxide emissions.

Mahigit 50 sundalo ang nagbantay sa pagpupulong ngunit tanging mga isdang malalaki gaya ng Lapu-Lapu ang walang pahintulot na nanghimasok sa usapan ng mga opisyal ng Maldives.

Una rito’y inihayag ni Nasheed ang planong magtabi ng pondo para sa pagbili ng bagong lupain para sa kanyang mamamayan na kapag lumubog ang kanilang 1,192 low-lying coral island ay tiyak na mawawalan ng mga tahanan.

Ipinangako din ng pangulo ng Maldives, na may populasyong umaabot sa mahigit 350,000, na tutuparin niyang maging kauna-unahang carbon-neutral nation ang kanilang bansa sa loob nang isang dekada.

“We have to get the message across by being more imaginative, more creative and so this is what we are doing,” aniya. (TRACY CABRERA)

About Tracy Cabrera

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *