RATED R-18 with cuts by the MTRCB ang Born Beautiful. Pero umaapela pa sa MTRCB ang direktor nitong si Perci Intalan na gawing R-16 ang rating nito para mas marami pang sinehan ang makapagpalabas nito at mas maraming tao rin ang makapanood.
Ayon kay Direk Perci, “Well, I’m thankful na you know may nagsabi sa akin na open naman for discussion ulit ang board ng MTRCB. So, sana, fingers crossed ako na sana. Kasi mayroong situwasyon na unusual on January 23, iisa lang ang Filipino film na magbubukas and that is ‘Born Beautiful.’ ‘Pag ang ‘Born Beautiful’ R-18 may isang malaking cinema chain (SM Cinemas) na walang Filipino film na bago on January 23. Can you imagine that? Dahil diyan sa sitwasyon na iyan, nag-open ulit ang MTRCB ng opportunity for dialogue, I think sa Monday (January 21). And sana ma-reconsider nila para at least maipalabas tayo sa lahat ng mga sinehan.”
Sinabihan ba sila ng MTRCB kung ano pa ang pwede nilang gawin? “Sa pagkakaalam ko, wala naman silang sinabing kailangan pa naming putulin. Ang natitira na lang talaga is language. Kasi ang nasa isip ko ‘yung theme wala na naman siyang bago dahil you know, LGBTQ movie, ‘di ba? Pero ‘yung language, sabi ko nga ‘yung language na-bleep na karamihan. So, titignan ko kung mayroon pa bang dapat i-bleep. Pero otherwise okay na siya eh.”
Umaasa si Direk Perci na may maganda silang ibabalita sa mga tao kaugnay ng apela nila sa MTRCB bago pa mag-showing ang Born Beautiful sa January 23.
ni Glen P. Sibonga