SABI na nga ba’t walang gagawing matino ‘yang APO UGEC na kakontrata ng dating administrasyon para mag-imprenta ng mga pasaporte natin.
Aba, mantakin ninyong nang i-terminate ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang kontrata sa kanila e, dalhin ba naman ang mga datos ng mga passport owner (database)?!
Tama ba ‘yun?!
Pagkatapos silang bayaran ng gobyerno at pagkakitaan nila ang pagkatumal-tumal nilang pag-iimprenta ng pasaporte ng mga Filipino, e nakuha pa nilang ‘nakawin’ ang database ng DFA Consular’s Office?!
Wattafak!
Akala natin e mga professional ‘yang mga kakontrata ng APO, e para palang mga batang mahilig mag-trantrum ang mga ‘yan.
Tsk tsk tsk…
Isang malaking pagkakamali na hindi na dapat ulitin ng DFA.
Dapat na talagang ibalik sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang pag-iimprenta ng ating passport kaysa ipaubaya sa mga pribadong kompanya na walang ibang iniisip kundi ang kumita na parang tubong-lugaw sa pondo ng gobyerno.
Sonabagan!
Hindi pa ba kayo ‘nabubundat’ sa tagal ninyong pinagkakitaan ang pag-iimprenta ng mga pasaporte?!
Ngayong nalantad ang kawalanghiyaan ng mga pribadong service provider na ‘yan, may plano kayang papanagutin ng Duterte administration ‘yang APO UGEC na ‘yan?!
Ano sa palagay ninyo, ex-con ‘este ex-Presidential Communications Operations Office (PCOO) Sec. Herminio “Sonny” Coloma, Jr.?!
Kung inyong natatandaan, si Coloma ang naatasan noon ni PNoy para pamahalaan ang operasyon ng pribadong APO UGEC sa P38-bilyong (6-year) contract sa pag-iimprenta ng pasaporte.
Dapat siguro’y magpatawag ng hearing ang Kongreso sa panggugulang ng service provider na ‘yan.
Mantakin ninyong bilyones ang isinuka ng gobyerno na ‘welcome na welcome’ na ibinulsa ng APO UGEC?
Hoy, hindi kayo tatantanan ni Secretary Teddy “Boy” Locsin…
Tugisin!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap