Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
blind item woman

Babaeng personalidad, kinakangkong ang Pamaskong datung sa mga kaibigan sa showbiz

NOT once, not twice pero ilang beses na raw kinakatkungan ng isang babaeng personalidad na ito ang pabertdey o pamaskong datung ng isang beteranang aktres sa isang kaibigan sa showbiz.

Ayon mismo sa tsika ng huli, kung magregalo raw sa kanya ang aktres ng pera ay hindi ‘yun bababa sa P10,000.

Imperness ke Tita (neymsung ng galanteng aktres), hindi siya nakalilimot tuwing birthday ko at Pasko. Dahil ‘di naman kami madalas magkita, eh, ipinadadala na lang niya ‘yon sa pamamagitan ng kanyang mga alipores. Nagkakataon naman na hindi rin kami madalas magkita noong mga alipores niya, kaya ipinadadala rin nila roon nga sa babaeng personalidad. Kaso, pagdating sa akin ng sobre, bawas na pala ‘yon. Wala naman akong kaalam-alam kundi pa sinabi rin mismo ng mga alipores ng beteranang aktres,” mahabang kuwento ng biktima ng katkong.

Dagdag pa nito, “Ang nakakaloka, madatung na nga ‘yung katkungera, eh, nakukuha pa niyang bawasan ang regalong datung na hindi naman para sa kanya to think na sigurado namang naharbatan din niya ang beteranang aktres, ‘di ba? Siya pa ba naman ang mawawalan? Ha, ha, ha!”

Da who ang beteranang aktres at ang babaeng personalidad na nangangatkong ng datung? Isyogo na lang natin sila sa alyas na Rosanna Sus Ginoo at Leticia Soliven.

 (Ronnie Carrasco III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …