Friday , December 27 2024

Lutas na

IPINAGMAMALAKI ni Director- General Oscar Albayalde, hepe ng Philippine National Police (PNP), ang tinawag niyang major breakthrough umano sa imbestigasyon ng pagkakapaslang kay Ako Bicol Party-list Representative Rodel Batocabe at ng kanyang security escort na si SPO2 Orlando Diaz sa Daraga, Albay noong Disyembre 22, 2018.
Lumutang sa imbestigasyon ng PNP ang mga pangalan ng anim na persons of interest na pawang naglilingkod sa tanggapan ni Daraga Mayor Carlwyn Baldo.  
Ang plano na paslangin si Batocabe ay binuo umano noong Agosto 2018 nang ianunsiyong tatakbo siyang alkalde ng Daraga. Umamin si Emmanuel Judavar na sangkot siya sa pagpaplano pero umatras sa araw ng pamamaslang. Nauna siyang nagpunta sa mga awtoridad upang ipagtapat ang nalalaman.
Kabilang sa mga suspek si Christopher Naval alyas “Tuping,” isang dating sundalo na pinagtitiwalaang security aide ni Baldo. Napilitan siyang sumuko bunga ng masinsinang police operations.
Ayon kay Tuping ay nag-alok si Baldo ng P5 milyon noong Setyembre para paslangin si Batocabe at nagbigay ng paunang bayad na P250,000 para makabili sila ng mga baril at motorsiklo.
 Karamihan sa grupo ni Tuping ay dating militar, paramilitary personnel at rebeldeng New People’s Army (NPA) na kasalukuyang nagtatrabaho bilang confidential staff ni Baldo gamit ang pekeng pangalan at P7,000 ang buwanang suweldo.
 Bumili raw si Tuping ng dalawang motorsiklo sa Camalig, Albay gamit ang pekeng pangalan na Abelardo Castillo samantala ang kagrupo niya na si Danilo Muella alyas “Manoy Dan” na isa rin dating militar ay bumili ng dalawang homemade na kalibre .45.
 Kasama rin sa grupo sina Henry Yuson alyas “Romel,” isang dating NPA rebel na bumaril daw kay Batocabe gamit ang kalibre .40 pistola; Rolando Arimado alyas “RR,” isang rebel returnee na nagsilbing lookout at bumaril din kina Batocabe at Diaz; Emmanuel Rosello alyas “Boboy,” dating miyembro ng CAFGU, at Jaywin Babor alyas “Jie,” dati rin sundalo na nagmaneho ng getaway vehicle at motorsiklo.
Kung totoo nga ang lahat at hindi set-up na isinisigaw ni Baldo, binabati natin ang pulisya sa kanilang tagumpay. Sinampahan ng double murder at multiple frustrated homicide sina Baldo at ang anim na iba pa.
Gayonman ay tahasang itinanggi ni Baldo ang akusasyon at sinabing lingkod-bayan siya na patuloy na magseserbisyo sa nasasakupan.
Kung tutuusin ay malaking kagagohan para sa isang alkalde na magpapatay ng kalaban sa politika dahil siya ang unang suspek na iisiping mastermind. Malilinis pa kaya niya ang pangalan samantala ang mga suspek ay pawang tauhan niya sa Office of the Mayor?
Tiyak na maaapektohan ang kanyang kandidatura dahil hindi iboboto ng mga mamamayan ang isang kandidato na may mga tauhan na dating rebelde at pinaghihinalaang nagpapatumba ng kalaban.


SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

FIRING LINE
ni Robert Roque, Jr.

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *