PROBLEMADO raw ang kapatid ng isang aktres na tatakbo sa elections next year. Kakapusan o kawalan umano ng campaign funds ang dahilan.
“Pakitulungan n’yo na lang siya,” ang pakiusap ng running mate nito nang i-treat sa dinner at a five-star hotel ang dating kaeskuwela ng actress’ brother.
Ayon sa ka-tandem, bagama’t may pledge o pangako ang tatlong major financier ng candidate ay tila wala pang katiyakan kung magkano ang isusugal nito.
“Hindi ko nga alam kung sino-sino ‘yung mga ‘yon although may idea kaming mga taga-partido niya kung sino ‘yung isa sa kanila. Anyway, mabigat ang laban sa sinusungkit niyang puwesto. Pakisabi mo na lang sa iba mong mga kasamahan na suportahan na lang ang running mate ko,” sey pa nito.
Dahil hindi naman showbiz ang kumakandidato, itago na lang natin ang syupatembang niyang aktres sa alyas na Zsa Zsa Urdaneta.
(Ronnie Carrasco III)