MAY bagong pahirap na naman pala ang Land Transportation Office (LTO) para sa bayang motorista na nagre-renew ng kanilang lisensiya sa pagsisismula ng taon.
Ang bagong patakaran: tanging medical certificates na ipinasa sa online mula sa accredited na klinika at doktor ang kanilang tatanggapin.
Ganoon din daw sa mga driver na nag-a-apply para sa student permit.
Nagsimula raw ang bagong policy nitong Lunes sa
National Capital Region (NCR) at sa Region 11.
Siyempre naglabas ang LTO-NCR ng listahan ng accredited clinics and doctors sa kanilang Facebook page.
Ang bagong patakaran daw ay ipatutupad na rin sa Regions 5, 4A, 4B, 7 simula sa Lunes, 14 Enero 2019. At magkakaroon naman ng bisa sa 21 Enero sa Regions 6 and 9; at sa Regions 1, 2, 3 sa 28 Enero; sa Regions 10, 8, Cordillera Administrative Region at CARAGA sa 4 Pebrero.
Ayon kay LTO Region 1 Director Teofilo Guadiz ginawa nila ito para hindi sila masalisihan ng pekeng medical certificates.
Ang siste, imbes mapabilis, lalong tumagal ang proseso dahil kakaunti lang ang accredited clinics and doctors ng LTO.
Kaya hindi na lang sa LTO mahaba ang pila ngayon, pati sa medical clinic na accredited ng LTO ay grabe na rin ang haba ng pila.
Ay sus!
Hindi pa nga nareresolba ni Pong Pagong ‘este LTO chief, Edgar Galvante ang pag-iisyu ng mga plaka sa mga bagong sasakyan. Halos dalawang taon na ‘yung bagong sasakyan hanggang ngayon wala pa rin plaka, tapos ganyan din ang gagawin sa proseso ng pagre-renew ng lisensiya?!
Wattafak!
Puwede ba, resolbahin muna ninyo ang backlog ninyo sa mga plaka ng sasakyan bago kayo umisip ng bagong kahangalan!
LTO chief Galvante, talaga hindi kayo makapag-isip ng ‘gimik’ na magpapabilis ng serbisyo ninyo?!
Aba, pinasusuweldo kayo ng gobyerno hindi para pahirapan ang sambayanan!
Mag-isip naman kayo nang tama!
Ay sus!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap