EXCITED na si Kris Aquino sa gagawing projects sa sikat na subscription video on demand service, ang iFlix.
Inihayag niya sa kanyang Instagram (@krisaquino) na makikipag-meeting na ang kanyang management team mula sa Cornerstone at sa kanyang Kris Cojuangco Aquino Productions (KCAP) sa team ng iFlix sa Pilipinas para sa kanilang collaboration projects.
Isang proyektong naiisip ni Kris ay may kinalaman sa kanyang ginawang pag-audition sa hindi niya binanggit na project, gayundin ang proyektong may kinalaman sa kanyang sakit na urticaria o autoimmune disease. Na-inspire siya sa mga dokumentaryong ginawa ng sikat na international singer-actress na si Demi Lovato.
Ayon nga sa IG post ni Kris, “Jeff from @cornerstone and my KCAP team are meeting with the gracious @iflix.ph team in a few days- i had the foresight to own a lot of my exclusive materials (hint: the “audition” for…) and i watched @ddlovato’s @youtube originals documentary and you should watch my story, especially this autoimmune journey from my perspective because i know God is making me go through this because i have the platforms to create proper awareness and hopefully encourage compassion- not only for my condition but HEALTHCARE for all FILIPINOS. @iflix deserves for me to fulfill my obligations because they believed when others still doubted.”
Samantala, sa isa pang IG post ni Kris ang binigyang diin niya ang pag-resurrect ng kanyang career kasama na ang pagganap niya bilang Princess Intan sa Hollywood movie na Crazy Rich Asians, na gusto niyang ialay sa kanyang yumaong ina, si dating Pangulong Cory Aquino.
Nakalagay din doon na patuloy siyang makikipaglaban para umayos ang kalusugan para sa kanyang mga anak.
Sabi ni Kris sa kanyang IG post, “the journey to resurrect my career was for my Mom. The choice to wear the yellow @michael5inco for @crazyrichasians as Princess Intan and the in my @michaelleyva_ Hollywood premiere Filipiniana were consciously done to pay tribute to the one woman who always believed her youngest would become the daughter she deserved. 2019 is 10 years after i lost my northern star- but i promise her: kuya josh & bimb, won’t lose their mama… just like her i’m fighting for my health for as long as my sons need me.”
ni GLEN P. SIBONGA