Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Actor-politiko, grabe mag-bribe

MISMONG ang isang barangay chairman na ang nagsiwalat kung gaano pala kagrabe mag-bribe ang isang aktor-politiko sa isang lalawigang nasasakupan niya.

“Lokal na lider pa namin noon ang actor-turned-politician na ito,” simulang kuwento ng aming source.

Kapag natunugan kasi ng aktor na ito na hindi siya suportado ng mga kapitan ng barangay ay ipinatatawag niya ang mga ito para personal na harapin sa kanyang opisina.

“’Eto ang kalahating milyong piso, manahimik ka na lang. Kung sinumang kandidato ang sinusuportahan mo na kalaban ko, quiet ka na lang,” pagbubunyag ng isang barangay chairman sa pakikipagharap sa actor-politiko.

Bagama’t naroon daw ang galak ng kapitan sa ipinagduduldulang pera’y hindi raw maiaalis sa kanya ang matinding takot. “Paano kung hindi niya sunggaban ang half a millon pesos na iniaalok ng aktor, eh, ‘di alam na kung saan siya pupulutin?”

Pikit-mata na lang daw ibinulsa ng kapitan ang suhol ng actor-politician na itago na lang natin sa alyas na Bonifacio Ripapipaps.

(Ronnie Carrasco III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …