Monday , November 18 2024

Kris, ipinagdasal na maabutang mag-18 si Bimby; Handang mag-resign sa endorsement dahil sa kalusugan

MABIGAT para kay Kris Aquino ang kinakaharap niyang legal battle kontra sa dati niyang business partner na si Nicko Falcis, na kinasuhan niya ng qualified theft. Pero sumagi rin sa isip niya na magbigay ng kapatawaran lalo na nang nagpunta siya sa isang simbahan noong nagbakasyon sila sa Japan nitong nakaraang holidays.

Kasama rin sa ipinagdasal niya na sana maabutan niyang mag-18 ang ngayo’y 11 years old niyang bunso na si Bimby dahil nga sa hinaharap din niyang kondisyon sa kanyang kalusugan dulot ng autoimmune disorder.

Sa umpisa galit ako talaga. Pero kasi I promise, there’s this church I really love in Japan at iniwan ko roon talaga lahat,  I promised talaga. I said there, noong nagdasal ako talaga and this was before Christmas, I  said doon sa mass na, I just want to be alive until my son turns 18 and I’ll forgive. I can move on and all the lies that they spread about me, kaya kong burahin. All I ask for, please God, ibigay mo lang sa akin talaga na abutan kong mag-18 years old ang anak ko,” sabi ni Kris sa presscon na ipinatawag niya kasama ang kanyang mga abogado.

Sa pagsasalita ni Kris ng katotohanan tungkol sa kanyang kalusugan, alam niya na posibleng may mga endorsement siyang mawala. Pero ayaw niyang magsinungaling at gusto niyang magpakatotoo.

You have warned me that by speaking out, I will lose some contracts,” wika niya sa kanyang legal team. “But I wanna tell the truth. So here it goes. You warned me, kasi lahat ng kontrata ko si Atty. Sig (Fortun) ang nagbabasa, ngayon Divina Law at Fortun Narvasa ang nagbabasa. Maraming warrants po iyan kasi guaranteed ‘yung mga kontrata ng endorsement. Isa roon sa warrants na iyon is a health warrant. I did not lie, because by the time those contracts were signed I did not know the extent of what I have. This is the truth. September 27, hindi maganda talaga ‘yung resulta ng blood test dito sa Pilipinas. Bakit nag-apura na September 29 lumipad na agad sa Singapore? Bakit October 2 pumunta na sa isang allergy specialist, rheumatoid specialist and immunologist? Because here in the Philippines lumabas na I have a form of lupus, there are several forms po. What save me in Singapore was that my kidney function was still okay. Ang inamin ko po sa inyo was that Chronic Spontaneous Urticaria and that is true. I did not want to specify because Atty. Sig told me, ‘Huwag mong sabihin ‘yung mga allergies dahil pinadadali mo for your enemies to kill you.’ But now I can tell you the truth, I’m allergic to every single medicine that can cure you or at least manage your symptoms ‘pag may lupus ka. All my doctors are doing now is delaying it. They’re delaying the inevitable.”

Hindi nga ito matanggap ng mga kapatid ni Kris. ”Pinakiusapan ko lang sila, ‘Please, don’t make it harder for me.’ Because the boys (Josh and Bimby) have to be assured na come what may, mayroon silang matatakbuhan.”

Specific ngang tinukoy ni Kris ang isang endorsement na posibleng mawala sa kanya dahil sa kanyang sakit. “I did not want to talk about this because I know after this, I will have to resign from Ariel. I have been proudest of that because that was 15 years of my life with P&G (Procter and Gamble Company). But that was my only way to be able to tell you the truth.”

Sumama ang loob ni Kris nang malaman ang kondisyon ng kalusugan niya. 

Nagalit po talaga ako kasi ang pakiramdam ko kukunin ako sa mga anak ko. Pero iyon lang ang hiningi ko, ‘God, please give me the strength to forgive just so my sons can have me for just seven years.”

Kahapon, January 6, ay lumipad ulit si Kris papuntang Singapore para sa panibagong medical check-up and evaluation.

ni GLEN P. SIBONGA

About Glen Sibonga

Check Also

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Gerald pinakamabait sa naging asawa ni Ai Ai

HATAWANni Ed de Leon KUNG si Ai Ai delas Alas ay benggador, ang kailangan lang niyang gawin …

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *