Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ynez, ayaw na sa Pinoy, mas feel ang foreigner

BOYFRIEND na mula sa ibang bansa at husband material na ang pangarap, wish, at dasal ng sexy actress na si Ynez Veneracion sa panahong ito.

“Sa anak ko na lang umiikot ang mundo ko. Pero kung papalarin pa akong mag-asawa ‘yun na ang mas gusto ko, foreigner.”

Sa kabila ng patuloy pa ring pagharap sa mga hamon sa buhay (kaso at iba pa), malaki naman ang pasalamat ni Ynez na pawang blessings ang bumubuwelta sa career niya ngayon.

“Thankful ako kay Ate Sylvia (Sanchez). Kasi, may dumating na project sa kanya na supposedly kay Superstar Nora Aunor. Pero hindi natuloy kaya siya ang 2nd choice na ididirehe ni Ronald Carballo. Sa pag-uusap nila nag-iisip ng kontrabida, ako agad ang sinabi niya. Kinakabahan nga ako pero siyempre challenge rin for me.”

Hesusa ang titulo ng pelikula na iikot sa mga pinagdaanan sa buhay ng bida.

“May shows pa rin ako here and abroad. Kaya natuwa ako na kinilala ako ng Aliw Awards sa napanood nilang shows ko. Kaya, kahit na may mga problemang kinaharap parang ito naman ang kapalit. Kasi sunod-sunod. Guesting sa ‘MMK’ (Maalaala Mo Kaya) every now and then.”

Kabado si Ynez sa pagsasaluhan nilang mga eksena ni Sylvia once na magsimula na sila ng shoot ng Hesusa.

“Hindi ko ‘ata makakaya ‘pag ini-require na may sampalan kami ni Ate Sylvia. Marami-rami na rin akong nasampal. At ako rin nasampal na ng bonggang-bongga. Umikot talaga ang paningin ko, eh. Naging totoo.”

Kaming mga kaibigan niya, may paniwalang sila pa rin ni Mon Confiado ang magkakatuluyan sa dulo.

Kaso, hinaharang na ito ni Ynez. Okay na sila ni Mon na maging magkaibigan.

At ‘yun nga. May ibang kultura na mula sa ibang bansa ang hanap niya.

On her own, kayang-kaya ni Ynez ang magsikap. 

Masasalamin ‘yun sa milyong halaga ng sasakyan (Ford Everest?) niya ngayon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …