Friday , November 15 2024

Mahigpit na pero laglag pa rin sa DHS? (Sa security enhancement sa NAIA)

NAKAPAGTATAKA naman kung bakit naglabas ng advisory ang United States Department of Homeland Security (DHS) na ang seguridad sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ay substandard.

‘Yung lagay na sobrang higpit ang inspeksiyon at nagpapahubad pa ng sapatos sa NAIA ay hindi pa ba mahigpit ‘yun?!

Ano pa ba ang gusto ng US DHS para bawiin ang kanilang travel advisory?!

Kaya ang apela ng Manila International Airport Authority (MIAA) sa mga pasahero, makipagtulungan daw sa ahensiya para sa pagpapatupad ng security enhancement sa NAIA.

Sabi ni MIAA GM Ed Monreal, “(We) strongly appeal to all to cooperate with the security enhancement that we are now undertaking and submit themselves to security inspections when warranted.”       

“Standards are there so the global aviation community will have a common reference point, and it is highly important that our aviation security protocols in NAIA meet if not exceeded, this is our obligation, and shall remain our commitment to the traveling public,” sabi pa ‘yan ni GM.

E ano pala? Talaga palang substandard ang pagpapatupad nila ng security measures sa NAIA? Ganoon ba ‘yun GM Monreal?!

Kung maririnig lang ninyo ang reklamo ng mga pasahero tuwing ipinatutupad ‘yang mga security measures na ‘yan, e talagang pati kayo makokombinsi na kakaiba ang ating security measures.

E talagang ang layo-layo natin sa ibang bansa.

Bukod tanging sa Filipinas lang may ganyan kahigpit na seguridad na nagpapahubad pa ng sapatos. Sa Estados Unidos ba, pinaghuhubad ba nila ng sapatos ang mga pasahero?! Sa Hong Kong, sa Singapore, o sa Europe?!

Hindi naman ‘di ba?!

Pero hindi naa-assessed ang kanilang security measures na substandard.

Pero hindi naman daw ‘yan “intended to put burden on the passengers” kundi para lang matiyak ang kaligtasan ng lahat.

Kasabay niyan, tiniyak din ni GM sa mga pasahero na ang Department of Transportation (DOTr), Office for Transportation Security (OTS), at MIAA ay patuloy na tatalima sa “internationally accepted security protocols and standards.”

Hindi rin daw tayo dapat maalarma sa inihayag ng DHS kasi patuloy raw itong tinutugunan ng MIAA.

“All points raised by the Transportation Security Administration (TSA) auditors have either been addressed or are in the process of being addressed, there’s no cause for alarm given as we put in place security enhancement following the recommendations of the US TSA,” pagtitiyak ni Monreal.

Sabi niya, “There’s nothing among these recommendations that cannot be addressed, kaya po natin ‘to (we can do this).”

Para sa kaalaman ng lahat, ang DHS ang nangangasiwa sa “aviation and border security” at naatasang tiyakin ang seguridad ng US mula sa ano mang banta.

Sa panahon ngayon na ang ating Pangulo ay malapit sa mga pinuno ng Chinese government kaysa US, duda ang inyong lingkod na agad tayong ikaklaro ng US DHS diyan sa travel advisory na substandard ang seguridad sa NAIA.

Lalo na ngayong napapabalita na maraming Chinese nationals ang nagtatrabaho sa ating bansa nang walang kaukulang permiso.

Hindi kaya may kinalaman diyan ang travel advisory ng US DHS?

Ano sa palagay ninyo, GM Monreal?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *