Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

BiGuel, pantapat ng GMA sa KathNiel, LizQuen, at JaDine

KAHIT idinaan noon sa blind item ay bukelya naman na ang young loveteam na nagkakaproblema sa kanilang real-life na relasyon ay sina Bianca Umali at Miguel Tanfelix.

Itinuturong third party sa kanilang rumored split-up si Kyline Alcantara noong kasagsagan ng kanilang teleseryeng Kambal Karibal.

Pero reunited sina Miguel at Bianca sa aabangang soap sa GMA, ang Sahaya. Si Sahaya, na isang Badjao, ay gagampanan ni Bianca.

Kung muling magsasama ang nasabing loveteam, ibig sabihi’y hindi pala talaga sila nag-break as reported.

Ang alam din nami’y hindi pa naman sila officially a couple dahil Miguel has to wait until Bianca is of age.

Nonetheless, talagang ipinu-push ng GMA ang kanilang tambalan. Ito  kasi ang pantapat nila sa KathNiel, LizQuen, at JaDine ng ABS-CBN.

In fairness, marami na rin ang following ng BiGuel, na kung tutuusi’y kumabog sa extinct nang AlDub also of the same network.

Maselan ang ginagawang pananaliksik sa Sahaya given Bianca’s Badjao character. Harinawang huwag itong matulad sa Bagani noon ng LizQuen na kinuwestiyon ng mga eksperto sa ating kultura.  

Hindi naman kalawakan ang aming kaalaman tungkol sa ethnic group na ito, pero sila ‘yung mga kababayan natin who are very good swimmers.

Their dwellings are also built on stilts sa gitna ng tubig. Sounds interesting for a TV material although nagkaroon na ng pelikula tungkol sa Badjao many, many years ago.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …