Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
blind mystery man

Aktor, living in style, missing link sa kontrobersiyal na personalidad

LIVING in style ang aktor na walang masyadong project bagay na ikinatataka ng netizens na sinusubaybayan ang lahat ng IG posts niya dahil kung saan-saang bansa siya nagpupunta.

Kilalang masinop sa kinikitang pera niya si aktor, katunayan may mga negosyo ito na ayon sa mga nakaaalam ay sapat lang din ang kinikita at hindi sobra dahil dito kinukuha ang ikinabubuhay nilang buong pamilya.

May mga kapatid si aktor na umaasa pa rin sa kanya maski na may mga trabaho na dahil hindi naman kalakihan din ang kinikita.

Mahusay umarte si aktor pero nakakataka na bihira siyang mabigyan ng projects.

Balita namin ay may offers naman pero hindi ito gusto ng aktor at mas gustong mamasyal na lang sa ibang bansa.

Kaya ang tanong ng lahat, “saan kumukuha si aktor ng panggastos?  May financier ba siya?”

Hirit naman ng netizen, “OMG, is it true?  Siya ang missing link sa tanong ng marami kung the who ang controversial actor na nali-link sa equally controversial personality na laman ng news ngayon?”

Sagot namin, “huh? Totoo ba?  Hindi kami makapaniwala!  OMG talaga.”

Ikaw Ateng Maricris, anong masasabi mo?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …