Friday , November 15 2024

Christmas ‘Zero-Crime’ naitala sa QC

HANEP!

Pasko walang nangyaring anomang krimen sa Lungsod ng Quezon? Bakit, nakapagtataka ba iyon? Hindi ha, dahil hindi lamang ngayon nang­yari ito sa lungsod kung hindi, ito na ang ika-10 insidente na nakapagtala ang Quezon City Police District (QCPD) ng “zero-crime” sa lungsod.

Anyway, in fairness naman sa pulisya ng lungsod — ang Quezon City Police District (QCPD) na pinamumunuan ni Chief Supt. Joselito T. Esquivel Jr., kaya the command deserved a snappy salute.

Akalain ninyo bunga ito ng kanilang pagpu­puyat – oo, talagang pinuyatan nilang paglingkuran ang mamamayan ng lungsod ngayon kapaskuhan  para sa seguridad ng bawat isa.

At siyempre, ang magandang balitang ito ng QCPD ay bilang suporta o kasagutan sa direktiba ni NCRPO chief, Director Guillermo Lorenzo T. Eleazar para sa mapayapang Pasko 2018.

Ngunit, parang hindi kapani-paniwalang nangyari ang zero-crime ano – sa araw pa ng Pasko. Maraming nag-iinuman at kung ano-ano pa.

Well, maniwala naman kayo dahil sinikap ng QCPD na gawin ang lahat ng kanilang makakaya. At ang resulta nga ‘zero-crime.’

Ano pa man, inilinaw naman ni Esquivel sa kanyang ulat kay Eleazar na walang anomang naiulat na nangyaring krimen sa lungsod partikular ang mga kasong  homicide, murder, physical injury, robbery, theft, rape, carnapping at carnapping of motorcycle sa araw ng Pasko sa Quezon City.

Wow! Yes, wow na wow nga iyan!

Nangyari ang lahat dahil sa mahigpit na kam­panya ng QCPD laban sa krimen – ito ay sa pama­magitan ng pagtatalaga ng mga pulis sa bawat sulok ng lungsod para masawata ang anomang balak o binabalak ng mga kriminal.

Nangyari ang lahat nang planado. Dahil sa presensiya ng mga pulis na ipinatalaga ni Esquivel sa kanyang mga station commander, mapayapa ang Pasko 2018 sa lungsod.

Ngunit, inilinaw pa rin ng District Director na may mga naaresto naman din sila – pawang mga lumabag lang sa city ordinances. Umabot din sa 920 katao ang nadakip habang 6 naman ang naaresto sa pag-iingat ng ilegal na droga.

Maliban rito, wala nang naitalang krimen na nangyari sa lungsod.

Inuulit natin, ito na ang ika-10 naitalagang zero- crime sa Kyusi simula nang maupong District Director si Esquivel.

“We deployed 2, 287 covert and overt police personnel especially in places of convergence like malls, transport terminals, churches and other vital installations to prevent criminal activities and to ensure security and safety of the people to enjoy and have a worry-free holidays. We cannot discount the slightest possibility of threats that criminal elements might plan to carry out during the holiday season. I again call for continuing public vigilance particularly to reporting of suspicious-looking persons, groups and packages in crowded places,” pahayag ni Esquivel.

Bilang residente rin ng lungsod, nagpapasa­lamat tayo sa lahat ng bumubuo ng QCPD sa matiwasay at mapayapang Pasko. Akalain ninyo, kaya nangyari rin ang zero-crime sa lungsod dahil sa matinding sakripisyo ng mga pulis – ibig kong sabihin, lahat ng leaves at privilege breaks ng mga pulis ay kinansela para lamang masiguro ang seguridad ng mamamayan ng lungsod.

Hindi lang pala sa panahon ng mga labanan ni Sen. Manny Pacquioa nangyayari ang zero crime kung hindi madalas nangyayari ito sa lungsod dahil sa kasipagan at kagalingan ng bawat pulis-QC.

Maraming salamat QCPD.

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *