Saturday , November 23 2024
Manila brgy

Seguridad sa Maynila bulagsak na bulagsak

KAHAPON, kahit mayroong matinding hostage-taking na nagaganap sa Sta. Mesa, Maynila, hindi ito naging malaking isyu dahil halos lahat ay nakatuon sa telebisyon at nanonood ng Miss Universe.

Isang lalaking bangag na hindi raw nakasakay sa tren ng PNR ang nagwala at inagaw ang baril ng security guard, namaril at hinablot ang isang Badjao na 5-anyos batang lalaki.

Bago niya hablutin ang batang lalaki, namaril nang namaril ang amok at nakasugat ng anim katao.

Umabot daw nang halos isang oras ang nego­sasyon bago pinakawalan ng amok ang bata.

Mabilis naman daw nagresponde ang mga pulis pero ang ibig sabihin nang mabilis ay ‘yung may anim na taong sugatan na.

Pero ang napupuna lang natin, bakit tila hindi mahigpit ang seguridad sa ilang bahagi ng Maynila. Mayroong mga sitwasyon na maaaring pagsimulan o gamitin para maghasik ng kaguluhan.

Alam kaya ng pulisya, na nakasasagabal sa trapiko ang camp-out ng ilang militante sa Mendiola at sa Liwasang Bonifacio?!

Bukod sa traffic obstruction, nagiging marumi rin ang kapaligiran sa lugar kung nasaan ang camp-out dahil wala naman silang palikuran, liguan at lutuan.

Delikado rin na magkaroon ng breakout ng diarrhea lalo na kung hindi malinis ang paghahanda ng pagkain dahil sa kakapusan ng tubig.

Malamok at mayroong iba’t ibang insekto sa lugar dahil ang kanilang basura ay hindi naitatapon sa tamang basurahan.

Kapag naglalaba sila, ang mga damit nila ay doon din isinasampay sa ilalim ng LRT sa Mendiola at sa paligid ng kanilang lona sa Liwasang Bonifacio.

Tsk tsk tsk…

Hindi ba’t malalang kapabayaan ‘yan sa seguridad ng publiko at ganoon din sa mga militanteng kalahok sa camp-out?

Hindi rin naman nila ipinapaliwanag sa publiko kung bakit sila nagka-camp-out?! Gaya ba sila ng ibang indigenous people na namamas­ko sa lansangan tuwing Pasko?!

Nalulungkot tayo na hindi na nagiging obhetibo ang pagsusulong ng mass struggle ng mga militante. Palagay natin, dapat na silang bumalik sa  kanilang mga teritoryo at doon mag­lunsad ng mga pag-aaral para patatagin ang kanilang kaalaman sa pagsusulong ng kanilang mga layunin at adhikain.

Matatawag na ‘unnecessary sacrifices’ ang ginagawa nilang camp-out na wala namang malinaw na layunin.

Panahon na siguro para kumilos ang mga awtoridad ng Maynila para linisin ang mga lugar na kanilang pagkakampohan.

Linisin sa maayos na  paraan at kung kinakailangan bigyan ng ayuda para magsiuwi na sila sa malayong probinsiyang kanilang pinagmulan.

Isang makabuluhang Pasko ‘yan kung magagawa ng mga kinauukulan.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *