Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Zoren, wish idirehe ang Magpakailanman

NAIS ni Zoren Legaspi na maging direktor ng Magpakailanman!

“Ang gusto ko talaga idirehe‘yung mga drama, hindi ‘yung mga fantaserye.

“Napunta ako sa horror and fantasy kasi eh, pero talagang gusto ko drama. Maano ako sa drama…kumbaga ‘pag ako nanonood ng drama tinatamaan ako e,” saad ni Zoren.

Surprisingly ay hindi pa naging artista si Zoren sa Magpakailanman pero mas gusto niya na magdirehe ng isang episode nito.

Kaya masasabi niyang ang fallback niya aside from being an actor kung sakali ay magdirehe?

“I think I’m more…well I think I’m more of a director than an actor.

“Ina-admit ko naman na I’m not that talented as an actor, mayroon akong extra effort to act. Unlike some actors, na talagang ‘pag sinabi mong ‘iyak’, kusang umiiyak, ganyan. Ako, mayroon akong talagang effort kailangan.”

Tumawa naman si Zoren nang sabihin namin na masaya kasi buhay niya kaya hindi siya basta-basta naiiyak.

Ano ang treatment niya as a director lalo na sa drama?

”Well, masarap…well isa sa mga reason why I like directing dramas is ‘yung you get to tell the story in a way na very realistic.

“Kasi maraming drama ang istorya ng Filipino, ma-drama ang istorya ng Filipino. Unlike ‘yung istorya ng Amerikano, hindi ganoon ka-drama eh. kaya masarap paglaruan ang istorya ng Filipino,” pahayag pa ni Zoren.

Years ago ay sumubok si Zoren na maging direktor, pero hindi iyon nagtuloy-tuloy dahil naging busy na siya masyado sa pag-aartista at nahirapan siya noon na pagsabayin ang acting at directing.

“Well ang huli ko is ‘Shake, Rattle and Roll,’ sa Regal films.”

Anong version?

“12 yata ‘yun, 12 or 13, 12.”

Sa TV ano ang huli niyang naidirehe?

“Si Mark Herras pa ‘yun eh, ‘yung ‘Fantastikman,’ mga action-action.

“Well kasi naano ako masyado, I think I was burned out, kasi noong nagdirehe ako, tatlo-tatlong show kaagad ang ibinigay nila, binigyan nila ako ng soap, tapos ayun nga, kina Mark Herras.

“Eh ‘yung panahon na ’yun uso ‘yung mga CGI [special effects] na may mga ganyan-ganyan, so mahirap, halos hindi na ako natutulog. Siguro na-burned out ako, pero ngayon, babalik ako, pero siguro sa ‘Magpakailanman’ muna.”

Samantala, yearly ang kontrata ni Zoren sa GMA, pati na rin ni Carmina at ang twins nilang sina Mavy at Cassy.

“Hindi long term, but you know, may loyalty naman kami, so we’ll see.

“Kasi ano naman eh, it’s just a testing ground kung mag-e-enjoy ‘yung twins o hindi. Ngayon ‘pag hindi nag-enjoy…magkalimutan na tayo, mag-aaral na lang ‘tong mga ‘to, wala ng artista, ganyan.”

Inusisa naman namin kay Zoren kung ang talent fee nila ba ay pantay-pantay or siyempre mas mahal sila ni Carmina?

“Mas veteran kami eh, at saka siyempre iba ‘yung pricing ‘pag sa mga taping, iba-iba ‘yan eh.”

Sa commercials ba ay as one o package deal?

“Minsan individual, minsan mayroong package, so depende sa usapan.”

RATED R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …