NANALO ang indie actor na si John Remel Flotildes sa poster making contest ni Venson Ang hinggil sa HIV/AIDS awareness bilang bahagi ng kanyang advocacy. Ginanap ang awarding last December 8 na bukod kay Venson, kabilang sa mga judge sina Bin Samonte at Al Perez.
Si John ay tumanggap ng 5k cash, Star Samson Gym gold medal, at certificate of participation sa World AIDS Day on the spot poster making contest. Second placer si Niño Olosis, at 3rd place naman ang nakamit ni Bienne Samanta Rosales.
Bukod sa pagiging indie actor, si John ay isang artist ng Cavite Group of Artists, model, at sa male pageant ay twice nanalo na Best in Talent dahil sa husay niya sa hand painting.
Ang pamangkin ni Venson na si Ms. Liezel Ang Buenaventura ang nag-represent sa kanya. Ang naging theme ng event ay Know Your Status o Alamin Ang Kalagayan Mo hinggil sa HIV.
Si Venson ay isang bodybuilding enthusiast and healthy lifestyle advocate. Siya rin ang may-ari ng New Star Samson Gym sa Tagaytay City at Roosevelt, Quezon City, at dating talent manager ng mga dancing bodybuilders. Siya ay naging presidente at chairman ng Filipino Chinese Weightraining Association at Power Lifting Association. Isa siyang Parangal ng Bayan Sports awardee na ipinagkaloob sa kanya noong 1997 ni former president Fidel V. Ramos. Noong 2002, recipient din siya ng award sa Who’s Who in Philippine Sports mula kay ex-president Gloria Arroyo.
Ang highest award na nakuha ni Venson ay mula sa International Federation of Body Building & Fitness (IFBB) dahil sa pagpo-promote niya ng bodybuilding at sa pagiging Tournament Director ng International bodybuilding event na Asian Women’s Bodybuilding Championship noong 1989. Dito’y tumanggap siya ng medal noong Dec. 3 1989 sa presidente nito na si Ben Weider.
Ayon kay Venson, ipinagpapatuloy niya ang kanyang advocacy lalo’t nakaaalarma na ang pagtaas ng cases ng HIV sa bansa. May 32 new cases kasi na naitatala sa Pilipinas kada araw, at tayo ang nangunguna sa Asia Pacific. Ayon pa sa kanya, dapat na mas paigtingin ang awareness hinggil sa HIV/AIDS. Nabanggit pa ni Venson na libre ang HIV test sa DOH.