Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Echo, ‘di umaasang maiuuwi ang tropeo sa MMFF awards night

SA The Girl in the Orange Dress naman of direk Jay Abello na ipinrodyus ng Quantum Films ni Josabeth AlonzoStar Cinema at MJM Productions, kakaibang lovestory naman sa dalawang hindi magkakilalang mga tao ang binigyang buhay nina Jessy Mendiola at Jericho Rosales. 

Matatatakan mo nga ng kulay kahel ang pag-iibigang namagitan sa dalawa na isang gabing nagsama at nang magmulat ang kanilang mga mata, binago ng mundo ang mga buhay nila.

Sa isang iglap nasa iisang kama na ang sikat na aktor ng bansa at ang misteryosang babae na ang tanging pagkakakilanlan eh, ang matingkad na kulay ng suot nito nang matulikap sila ng paparazzi.

Istorya naman ito nina Rye at Anna.

Sa 3M combined views at 61K total shares ng mga nakapanood na sa trailer ng pelikula mukhang hahataw ito sa MMFF showing on Christmas Day.

Hahatakin ‘ata ng mga tagahanga ni Lino sa Halik ang mga kababaihang nakikisimpatya sa kanya at sumusuporta sa pananakit ng pusong ginagawa sa kanya ng asawa niya sa nasabing teleserye.

Si Anna kaya ang sasaluduhan nila sa TGITOD sa Pasko?

Hindi naman tinitingnan ni Echo ang paghawak ng tropeo na panalo sa gabi ng parangal ng kanilang pelikula. Gusto pa rin niya na mas marami ang makapanood ng kanilang pinaghirapang proyekto.

Parehong malaki ang pasasalamat nila ni Jessy sa producer na si Atty. Joji.

Umaatras na sa buhay niya sa showbiz si Jessy. Handa nang balikan ang ordinaryong buhay bilang estudyante sa muling pagsabak sa pag-aaral. Pero nagdadalawang-isip na naman siya nang muli siyang umarte sa pelikula.

Jericho naman wants to mark up to his wife Kim Jones. Dahil sa sunod-sunod na pagdating naman ng mga proyekto sa kanya na ayaw na niyang pakawalan, oras ang nasasayang at ‘di niya kompletong naibibigay sa misis niya.

This Christmas, we will spend it with our familes. Lunch. Dinner. Lahat na. After that, i will whisk her away somewhere na kanyang-kanya lang ako. How many days, I don’t know. Basta kaming dalawa lang. Walang istorbo!”

Who knows baka after nine months may little Echo or Kim ng iluwal sa mundo!

Mukhang walang itulak-kabigin sa entries this coming MMFF 2018.

Here are two relatable love stories to thug at our heartstrings.

Ano at sino nga ba ang one great love ng buhay natin. At ano ang sikreto ng babaeng tama nga ba ang kinalagyan that one fateful night sa lalaking dapat nga bang pumasok sa buhay niya?

Interesting stories. Check!

HARDTALK
ni Pilar Mateo

 

Direk Eric, genuine actors ang tingin kina Kim, JC at Dennis
Direk Eric, genuine actors ang tingin kina Kim, JC at Dennis

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …