SA naging pagtanggap ng mga tagahanga nila sa muli nilang pagsasama sa Three Words to Forever maski pa gustuhin nina Sharon Cuneta at Richard Gomez na magkaroon pa ito ng kasunod, malamang na kantahin na lang nang kantahin ni Sharon ang Maybe Someday para sa ex niya.
Pareho na kasing haharap na naman sa bagong mga pagkakaabalahan ang dalawa.
Nauna na nga ang album launch ni Mega sa Eastwood Open Park noong Sabado ng gabi. Para ito sa mga nabitin din sa kanyang 40th anniversary concert na ibinalita rin niyang magkakaroon ng kumbaga eh, book 2 dahil alam niyang nabitin ang kanyang Sharonians.
Malamang na mangyari ito sa kanyang birthday on January 6, 2019.
She will leave for Singapore sa February 10, 2019 for a concert doon. And by March naman eh ang kanyang Canada and North America tours.
Excited at enjoy man si Mega sa mga sunod-sunod na naman niyang pinagkakaabalahan at lalo siyang na-inspire nang kaagad nilang matapos ni Jonathan Manalo ang album para sa Star Music na malamang na may kasunod na uli.
Guilty lang si Mega at wala siyang gaanong partisipasyon sa paghahanda ng anak na si Frankie sa idaraos na debut nito this weekend.
Naaawa nga siya sa dalaga at maski pa subsob ito sa pagre-review for her exams at nagkakasakit na, sige ang pagiging hands-on sa nais na mangyari sa kanyang ika-18 kaarawan.
Babawi naman si Mega in every way.
Eh, isa pa palang nagpapataas sa adrenalin rush nito eh, ang pagtanggap ng proyekto kay direk Erik Matti.
No! Hindi as Darna! Anobey? Iniwan na nga ni Direk Erik ‘yan ‘no at nagampanan na ni Shawie.
Hindi pa niya pwedeng idetalye ito. Pero ibang-iba sa mga nagampanan na niya dahil ang tanging clue na ibinigay niya eh more on facial reactions ang gagamitin niya.
No, wala namang sinabing silent movie si Mega sa launch ng kanyang album na natulikap ko lang that night sa Eastwood.
We had a taste of the new songs. At gaya ng sinabi ni Mega na may history na siya sa kanyang audience when it comes to her type or kind of music na ibinibigay sa kanila, panalo na naman ito para sa kanyang mga dear hearts.
Get na your copies. Maski nasa platforms na ito onlie, may physical copy pa rin worth your money at P350.
HARDTALK
ni Pilar Mateo