Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
The Signs John Stephen Baltazar Michael Kumar Anna Reyes Andrew Torres Enzo Ferrari Arciaga
The Signs John Stephen Baltazar Michael Kumar Anna Reyes Andrew Torres Enzo Ferrari Arciaga

Pelikulang The Signs, tampok sa Cine Lokal

ISANG napapanahong peli­kula ang The Signs dahil ma­dalas bayuhin nang malalakas na bagyo ang ating bansa. Ang laban ng tao para sa kaligtasan kontra sa isang super typhoon ang bida sa pelikula ni John Stephen Baltazar na The Signs at ito’y tampok sa Cine Lokal theaters sa SM simula December 7.

Kuwento ito ni Tony Hughes, na ang tatay ay isang sikat na meteorologist na namatay ha­bang nananaliksik tungkol sa mga bagyo.

Matutuklasan ni Tony ang manuscript na may nilalaman na predictions ng series of signs na hahantong sa isang malaking sakuna — ang mother of all typhoons. Habang nasasak­sihan ang mga senyales ng super typhoon, magiging res­pon­sable siya sa kaligtasan ng kanilang bayan at madidiskubre niya ang isa pang banta na mas malala pa kaysa naunang signs.

“I’ve always wanted to make a natural disaster film. Given the fact that we live in a country where floods, storms and earth­quakes are part of our normal lives in the Philippines, it is time to inform and educate young people using the power of entertainment,” pahayag ng The Signs film director/writer/producer/director of photography na si John Stephen.

 Ang naturang disaster film ay pinagbibidahan ng promising actors at actresses na sina Michael Kumar, Anna Reyes, Andrew Torres, at Enzo Ferrari Arciaga.

 Ang The Signs ay mapapa­nood simula December 7, 2018 sa pitong (7) SM Cinemas ng Cine Lokal: SM Manila, SM Southmall, SM Bacoor, SM Sta. Mesa, SM North Edsa, SM Fair­view, at SM Megamall sa 1:00 PM, 3:30 PM, 6:00 PM, at 8:30 PM.

 Ang tickets ay nagkakaha­laga ng P150.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …