HINDI man kami residente sa Pasig ay matagal na naming naririnig ang magagandang kuwento at papuri tungkol kay Atty. Roman Romulo na nagsilbi nang three consecutive terms (2007 up to 2016) bilang kongresista sa lone district ng Pasig.
Mabilis umaksiyon si Atty. Romulo sa mga problema ng kanyang constituents at tuwing may sakuna gaya ng baha ay personal siyang nagtutungo sa iba’t ibang barangay para mamahagi ng tulong financial at relief goods.
Marami rin naging proyekto ang nasabing lawyer/politician na nakatulong nang malaki sa kabuhayan ng maraming pamilya. Kaya naman ngayong tatakbo uling congressman ay ikinatuwa ng maraming residente ng Pasig.
Siyempre, full support ang buong family ni Roman sa kanyang candidacy kasama ng kanyang magandang misis na si Shalani Soledad gayondin ang matalik na kaibigang si Sir Jun Cabangon na aming minamahal na businessman boss, Chairman/CEO ng Fortune General Insurance Corporation.
VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma