KUNG hindi lang nadenggoy noon ng direktor-direktoran si Dovie San Andres ay matagal na sanang natupad ang pangarap niya na maging actress gayondin ang bunsong anak na si Elrey Binoe Lewthwaite.
Artistahin talaga itong si Elrey at malaking factor na may dugong foreigner at may taas na 6’3 sa edad na 17. Sa tatlong magkakapatid ay si Elrey ang pinakamatangkad at siya rin ang may hilig mag-artista. Idol niya si Robin Padilla kaya may dating siya na mala-Binoe. At pagdating naman sa talent ay marunong kumanta at sumayaw si Elrey.
Kukuha na rin siya ng acting workshop para once na isabak ng kaniyang Mommy Dovie sa showbiz ay ready na siya. Ayon kay Dovie ang type raw ng kanyang anak ay maging isang action star kaya nakatakda
niyang i-enroll sa international martial arts expert na si Jet Kune Do.
Ang pagbibidahan at ipo-produce na indie movie ni Dovie ang magsisilbing “baptism of fire” ni Elrey at pareho na silang excited ng kanyang Mommy sa pagsasamahang project na ididirek ni Vic Tiro at iso-shoot na early next year.
VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma