Monday , December 23 2024

“Mga Cayetano ‘wag iboto!” — Brillantes (Sobrang garapal)

IKINAMPANYA ni dating Commission on Elections (Comelec) chair Sixto Brillantes na huwag iboto sa susunod na halalan ang “super dynasty” ng pamilya Cayetano sa lungsod ng Taguig.

Sa kanyang paha­yag na napalathala sa isang social media blog na may petsang Nov. 27, ang sabi ni Brillantes:

“The people of Taguig, in casting their votes on election day, should always bear in mind the morality issue in rejecting the candidacies of the super dynasty Cayetanos.”

Kailan pa naging matinong nilalang si Brillantes para magsermon tungkol sa isyu ng moralidad?

Patanong din na tinawag ni Brillantes ang mga pamilya Cayetano na mga ‘ganid’ sa kapang­yarihan, aniya:

“Surely, Alan Peter should have anticipated that by running for the position of congressman with his wife running for the same public post in a separate district, in addition to the candidacies of Alan’s brother and sister for other public posi­tions, such a dire situation would elicit questions from the monitoring public. Why the very apparent greed for power?”

Muntik na tayong mahulog sa upuan sa sinabing ‘yan ni Brillantes, at kung hindi lang niya nabanggit ang pangalang Alan Peter nang sam­bi­tin ang katagang “greed for power” ay aakalaing sarili niya ang kanyang kausap habang nakaharap sa salamin.

Hindi ba’t si Brillantes, ang mastermind na unang nagtulak sa automated elections sa bansa at sa pinagkakitaang Comelec-Smartmatic deal, ay tumatayong abogado ngayon sa kampo ng mga Binay?

Para pala kay Brillantes, imoral ang super dynasty at ganid sa kapangyarihan ang politiko basta’t hindi niya kliyente at hindi siya ang kinuhang abogado.

Hindi ba super dynasty at imoral na mata­tawag ni Brillantes ang pamilya Binay at pamilya Ejercito-Estrada?

Alam naman ng publiko ang matagal nang hidwaan sa pagitan ng mga Binay at Cayetano bunsod ng agawan sa jurisdiction ng Bonifacio Global City (BGC).

Kaya’t si Brillantes ang pinakahuling nilalang sa balat ng lupa ang may kalipikasyong magsermon sa pamantayan ng moralidad kahit pa totoong hidhid, dupang, sakim at ganid sa kapangyarihan ang mga Cayetano.

Aba’y, mapagdududahan tuloy na bukod kay Brillantes ay pinopondohan din ng kanyang kliyente ang mga makakalaban ng Cayetano dynasty sa Taguig.

Por delicadeza, hindi ba malaking kabulas­tugan para sa isang dating pinakamataas na opi­syal ng Comelec ang tumanggap ng kliyente sa eleksiyon?

Dahil dating hepe ng Comelec si Brillantes, ay gago, bobo at tanga lang ang hindi magsususpetsa na posibleng maimpluwensiyahan ang resulta ng eleksiyon pabor sa kanyang kliyente.

Garapal na matanda!

MGA KASO NG DROGA
IPAIMBENTARYO NG DOJ

NAHATULANG guilty sa kasong murder ng Caloocan City Regional Trial Court ang mga pulis na sangkot sa pagpatay sa 17-anyos na si Kian delos Santos.

Habambuhay na pagkabilanggo ang ipinataw na hatol sa tatlong pulis na sina PO3 Arnel Oares, PO1 Jeremias Pereda at PO1 Jerwin Cruz sa pagpatay kay Delos Santos noong August 2017.

Dahil diyan, binalaan ni Department of Justice (DOJ) Sec. Menardo Guevarra ang Philippine National Police (PNP) na isaalang-alang ang rule of law at proseso sa pagtupad ng tungkulin sa mahigpit na kampanya ng pamahalaan kontra ilegal na droga, aniya:

“The conviction serves as a warning to our law enforcers that in the government’s campaign against illegal drugs, the rule of law and due process must always be observed.”

Hindi ba mas dapat unahing balaan ni Gue­varra ang kanyang mga nasasakupan sa National Prosecution Service (NPS) bago ang jurisdiction ng Department of Interior and Local Government (DILG)?

Subukan kayang ipa-imbentaryo ni Guevarra para malaman kung nasunod ang proseso sa mga kaso na isinampa ng mga fiscal sa hukuman?

Si Guevarra na mismo ang makapagsasabi na maraming nililitis na kaso ang hindi na dapat sumampa sa hukuman kung naisaalang-alang ng mga fiscal ang proseso.

Sa simula pa lang ay alam ng mga fiscal kung nasunod ang proseso sa isinampa nilang kaso o hindi.

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09166240313. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG
ni Percy Lapid

 

About Percy Lapid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *