Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Joyce Penas Pilarsky
Joyce Penas Pilarsky

Joyce Peñas, tumanggap ng parangal sa PC Goodheart Foundation

THANKFUL ang actress, producer, model, at fashion and jewellery designer na si Joyce Peñas sa parangal na ipinag­kaloob sa kanya ng PC Good­heart Foundation ng business­woman at maindie film producer na si Ms. Baby Go. Iginawad kay Ms. Joyce ang Most Outstanding Empowered Woman of 2018 sa event na ginanap recently sa Marco Polo, Ortigas.

“Tuwang-tuwa nga ako, kasi ang bait naman ni Ms. Baby Go at saka ng PC Goodheart to recognize, really, ‘yung efforts din namin, ‘di ba?

“Of course gagawa tayo ng kabutihan hindi para mapansin, kundi para naman mai-share natin sa ibang tao na kapag may­roon silang ginawang kabutihan, magkakaron ng impact ‘yun sa ibang tao. Parang ang gusto kong mangyari, ‘yung ibang tao ma-encourage rin na gumawa ng kabutihan kahit gaano kaliit.

“We have to start with ourselves, ‘di ba? ‘Pag nag-start ka sa sarili mo, mahalin mo sarili mo, ‘yung family mo mamahalin mo, ‘yung community, and then the city and then eventually the whole world, ‘di ba?”

Ano ba talaga ang pinaka-priority niya bilang career woman? “Kasi alam mo, ang buhay natin iisa, ‘di ba? So you can never say this and this and this and that for tomorrow. Actually, love ko lahat, e. Pero siguro, ang pinaka-love ko ay iyong modelling ko.”

Nabanggit din ni Ms. Joyce na masaya siya sa forthcoming movie nilang Ang Sikreto ng Piso na sa January 27 na ang showing. Tinatam­pukan ito nina Gelli de Belen at Ariel Rivera. Ito ay mula sa JPP Dreamworld Productions na pag-aari ni Ms. Joyce, at sa pamama­hala ni Direk Perry Escaño.

“Proud ako sa movie ko and happy akong maka­trabaho ang mag-asawang bida rito na sina Gelli at Ariel, kasi madali silang kausap, mababait, at mga pro­fessional sila talaga. And siya nga pala, magho-host ako sa concert ng friend kong soprano na si Kathy Hipolito Mas sa Teatrino sa Dec 1, 2018, around 6pm. Ako rin ang mag-dress up sa kanya. They can buy tickets there, sinu-support ko mga friends ko,” wika ni Ms. Joyce.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …