Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

IV of Spades, pangungunahan ang Road To Light Music Festival

PANGUNGUNAHAN ng IV of Spades ang Road to Light Music Festival concert na handog ng Solid Rock Entertainment at ni Andrew Reodique. Ito ay ga­ganapin sa November 30 (Friday), sa Music Museum sa Greenhills, San Juan.

Iba’t ibang genre ng tugtugan ang matutunghayan ng music lovers sa concert na ito na kabilang din sa performers sina TJ Monterde, JR Estudillo, Avon Rosales, Pocket Stereo, Lance Edward, Nico Javier, St. Wolf, Dianne Grace, at Pauline Cueto. With the special participation of Pogitos. Host ng event si Mark London aka DJ Marky of Brgy. LS 97.1 FM. Si Ms. Zenly Diansuy ang director nito, samantala si Neal Go naman ang musical director.

Si Andrew ay isang first-time concert producer at naniniwala siyang sapat na ang hatak ng kanyang line-up para mapuno ang Music Museum, lalo sa grupong IV of Spades. ”For my point-of-view, noon pa lang naman ay pinagplanohan na namin ni Miss Kate (Rodriguez, co-producer) iyong production namin.  So, kung tutuusin, sa ads po ipinauubaya ko po sa kanila, at the same time mina-market ko po ang concert namin,” saad niya.

Dagdag ni Andrew, “Kasi sa nakikita ko, ‘yung sa IV of Spades marami na kasi akong naririnig sa kanila e, napapanood, doon sa Youtube… So, sa palagay ko IV of Spades pa lang, may hatak na agad sila. Even si TJ Mon­terde, kasi boyfriend po siya ni KZ Tandingan.”

Si JR Estudillo ay isang accomplished artist na sumabak sa kilalang talent competition tulad ng World Championships of Performing Arts nang siya ay bahagi pa ng boy band na Young Filipinos (Y-Fi for short). Dito’y nasungkit nila ang Grand Champion Senior Vocal Group of the World. Ipino-promote niya ngayon ang latest single niyang Ikaw Pa Rin. Ang Fil-Am namang si Avon Rosales ay isang Viva artist at ang single niya ay pinamagatang Hawak. Nang usisain kung paano niya ide-describe ang tipo ng kanyang musika, ito ang sinabi ni Avon: “At this point, I thinks it’s a combination of every­thing… kasi may background po ako ng classical, Broadway, at iba pa.”

Nagpapasalamat ang Solid Rock sa kanilang sponsors na Maione Philippines, Blackwater, The Hub, Mary Kay, Immediate Apparel, at Frontrow. Available ang tiket sa TicketWorld Manila website: P800-Balcony, P2,200-Orchestra Side, and P3,000 – VIP Orchestra Center. You may also call Ticket World Manila at (02) 721 0635 / (02) 7216726. Text Solid Rock Entertainment at 09176550530 for further information.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …