Monday , November 25 2024

Alfred Vargas, pinarangalan ng PC Goodheart Foundation ni Baby Go

GAME gumawa ng pelikula ang masipag na public servant/actor na si Alfred Vargas sa bakuran ng BG Productions International ng businesswoman na si Ms. Baby Go. Ipinahayag ito ni Alfred nang tanggapin ang kanyang award bilang Most Outstanding Public Servant sa 2nd Diamond Awards Night at Ceremony of Empowered Women 2018 sa Marco Polo Hotel, Ortigas.

Inialay din niya ang award sa inang gumabay at humubog sa kanya upang maging mahu­say na lingkod bayan. “I promise God and I promise my mother, Atty. Susana Vargas that I will live up to the kind of leader she wanted me to be,” saad ni Alfred sa kanyang acceptance speech.

Sa panayam kay Rep. Alfred, nabanggit niyang, “Siyempre natutuwa ako at medyo emo­tional ako kanina noong tina­tanggap ko ‘to at ‘yun, naalala ko ‘yung mother ko.

“I mean, ‘yung mother ko noong bata ako, talagang tinu­turuan na ako ng magulang ko and every­thing. Tapos now that I’m an adult, I’m actually a public ser­vant, I’m hoping that I’m able to live-up to their expec­tations. Gus­to kong ma­ging proud sa akin ang mga magulang ko. I’m very thank­ful sa award na ito, kasi being awarded along­side the other awardees, it’s a very high profile event and napaka­laking event nito na it’s really a big honor and ipagmamalaki ko ito lagi, itong award na ‘to.”

Wish ba niyang gumawa ng movie sa BG Productions? “I’ve never done a movie under her e, pero I would love to do a movie with her. Kasi ‘yung mga ipino-produce niya, ‘yung mga award winning films, at ad­vocacy films na pang-inter­national pa, e. So I think every actor would dream to work with Tita Baby, ‘di ba?” sambit ng mahusay na aktor.

Ang foundation ni Ms. Baby ay walang sawang nagbibigay ng iba’t ibang tulong sa mga kapos-palad. “Medical Mission, scholarship, palagi po akong gumagawa niyon. May mga project din po kami na gagawin ngayon at magbibigay kami ng mga solar lights sa provinces at remote areas,” saad ni Ms. Baby.

Kabilang sa awardee rito sina Senator Cynthia Villar, bilang Most Outstanding Public Servant Award. Ang iba pang pina­rangalan ng PC Good­heart Foundation ay sina Ana Capri, ang actress/producer na si Ms. Joyce Peñas Pilarsky, si Doc. Ramon Arnold Ramos, sina Kikay Mikay, mga media personality, mga doctor at public servant, at marami pang iba.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Dating sexy male star napeke ni aktres

ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *