Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Polo Ravales, thankful sa bagong project sa BG Productions International

BALIK-BG Productions International si Polo Ravales. Isa siya sa tampok sa pelikulang may working title na Hipnotismo. Uumpisahan na ngayong December ang horror-gothic film na ito ni Direk Joey Romero na kukunan ang ilang eksena sa Dumaguete.

Bukod kay Polo, ang pelikula ay pagbibidahan ng Kapamilya lead actress ng Kadenang Ginto na si Beauty Gonzales at Kapamilya hunk actor na si Enzo Pineda kasama si Ms. Universe 3rd Runner up Ariella Arida at Mr. World Philippines JB Saliva.

Ipinahayag ni Polo ang kagalakan na muli siyang gagawa sa movie company ni Ms. Baby Go.

Saad ng actor, “I’m so thankful na nakasama ako sa project and ito ‘yung second movie ko under BG Productions. The first was Balatkayo with Aiko Melendez, so kami ‘yung magka-partner noon and we shot it in Dubai. So ito ‘yung second film ko sa kanila and I’m so happy and thankful na cinast ako for this project.”

Okay lang ba sa kanya na suportahan ang mga new crop of stars and mas gusto niya ba na ganito ang takbo ng kanyang career?

“Well, I’m so happy na gumagawa ako ng mga roles na tulad nang ganito. Siyempre ‘di naman forever na alam mo ‘yun, lagi kang lead or lagi kang good boy sa isang show. So, siyempre when you mature and grow old, nag-iiba ‘yung roles na ibinibigay sa ‘yo. And I’m very happy and thankful na dumating ako sa point ng career ko na you know, I get to do character roles lalo na ‘yung mga ganito, you know, villains,” pahayag ni Polo.

Sa panig ng lady boss nilang si Ms. Baby Go, ipinahayag niyang excited na siya sa pelikulang ito dahil matagal na niyang dream gumawa ng horror movie. Ayon kay Ms. Baby, naniniwala siyang ito ang tamang formula para tangkilikin nang lahat, pati na ng millennials.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …