Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jermae Yape, na-overwhelm sa tuwa sa single niyang Summer

LABIS ang kaga­lakan ng newbie recording artist n asi Jermae Yape dahil natupad ang pa­nga­rap niyang maging singer. Labas na ang single niyang Sum­mer na nag-colla­borate sila ni Jheorge Normandia.

“First single ko po ito ever, kaya sobrang overwhelm ako. Kasi, sobrang pinapangarap ko talagang maging singer. Kaya thankful po ako, singing talaga kasi po ang love kong gawin,” saad ni Jermae.

Dagdag niya, “Digitally release po siya at labas na ngayon sa lahat ng digital platform like sa Spotify, iTunes, Tweezers, Googles, Amazon… sa lahat po.”

Si Jermae ay 16 years old, at Grade 10 sa La Salle Das­mariñas. Bilang promo raw ng kanyang single ay nagkakaroon siya ng radio tour.

Ano pa ang wish niyang mangyari sa kanyang career? “Sana po mas marami pang mag-open ng doors para po sa akin. Like, maging artista, dancing, singing… kahit saan po, kung saan ako dadalhin ng tadhana,” aniya.

Paano niya ide-describe ang kanyang song? “Its Pop po, puwedeng pang-sing and dance po. Danceable po kasi itong single ko.”

Sino ang idol niyang singers? “Sa International po ay sina Bruno Mars and Adele, mga iconic artists po kasi sila. Grabe ‘yung kanilang craft. And sa local naman po si KZ Tandingan, idol ko po siya and si Jayda.

“Si KZ, dahil ‘yung craft po niya and ‘yung voice niya, kung paano niya i-deliver ang kanta niya. Si Jayda, maganda rin po ‘yung craft niya, happy, millennial type na kanta. Si KZ po, kung bibigyan ako ng chance, siya ang dream kong maka-duet na local artist, idol ko po kasi siya talaga, e,” saad ni Jermae na nabanggit din na kung bibigyan ng chance ay gusto rin niyang sumabak sa pag-arte sa harap ng camera.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …