Friday , November 15 2024

Sa hatol kay Imelda, si Digong ang target ng Sandiganbayan?

HINATULANG guilty ng Sandiganbayan fifth division sa seven counts ng kasong graft si dating First Lady Imelda R. Marcos nitong Biyernes.

Mula anim na taon at isang buwan hanggang 11-taon ang ipinataw na parusang kulong ng Sandiganbayan kay Gng. Marcos sa bawa’t kaso.

Kung kukuwentahin, higit pa sa tatlong ha­bam­buhay na hatol ang katumbas na parusang kulong, ang bubunuin ni Gng. Marcos sa bilangguan kung sakali.

Pero sa 10 graft na isinampa laban sa kanya ay inabsuwelto ng Sandiganbayan si Gng. Marcos sa tatlong kaso.

Halos tatlong dekada inabot ang paglilitis bago nakapagbaba ng hatol ang Sandiganbayan sa mga isinampang kaso – mula 1991 hanggang 1995 – laban kay Gng. Marcos.

Tiyak na ilang beses nang napalitan ang mga mahistrado ng Sandiganbayan fifth division sa loob ng napakahabang paglilitis kay Gng. Marcos.

Ito ay panibagong katatawanan sa bulok na sistema ng katarungang mayroon tayo sa bansa dahil sa mga maling paghatol ng mga bugok sa hu­dikatura.

Kung nagagawang iabsuwelto ng mga mahistrado ang mga mandarambong sa plunder kahit wala pang 10 taon tumatagal ang paglilitis gamit ang “template” na ‘inordinate delay’ ay hind ba’t mas angkop lang na ibinasura ng Sandigan­bayan ang ilang dekadang mga kaso ni Gng. Marcos?

Imposibleng naman yatang hindi alam ng mga mahistrado na kahit pa ipalagay o sakaling guilty si Gng. Marcos sa mga kaso laban sa kanya ay protektado na siya ng R.A. 8493 na kung tawagin ay “Speedy Trial Act of 1998.”

Hindi ba matatawag ‘yan na “gross ignorance of the law” at posibleng basehan para sampahan ng ‘disbarment’ ang mga mahistrado ng Sandiganbayan fifth division?

May suspetsa tuloy na si Pang. Rodrigo “Digong” Duterte ang talagang puntirya sa ibinabang hatol at hindi si Gng. Marcos.

Siyempre, dahil kilalang magkaalyado ay tiyak na kay Pang. Digong malilipat ang isyu at siya ang didikdikin ng mga kalaban sa sandaling hindi naipaaresto si Gng. Marcos.

‘Yan ang hindi naiisip ng mga malabnaw ang utak na nakapaligid sa pangulo at pumupuri pa sa desisyon ng mga ogag na mahistrado ng Sandiganbayan.

Palibhasa, hindi pagkakaperahan kaya walang effort ang mga tagapayo ng pangulo kung ‘di man talagang mga walang utak at kakayahang mag-isip.

Sabi nga, “Hampas sa kalabaw, sa kabayo ang latay.”

 

  1. EARTH SCANDAL

IMBES timpalak sa pagandahan ay nauwi sa timpalak ng patambukan ang nakahihiyang eskandalo sa ginanap na Ms. Earth 2018.

Sadya yata na kahit ano’ng event o paligsahan ang dito iraos sa bansa ay hindi maaaring hindi magkaroon ng bulilyaso at imposibleng hindi mabahiran ng kababuyan.

Saan kaya hahanap ng ipapalit sa maaskad niyang pagmumukha ngayon si Amado “Bing” Cruz, isa sa mga sponsor ng katatapos na beauty pageant na inirereklamo ng pangmomolestiya sa mga dayuhang kalahok ng katatapos na beauty pageant?

Sa inilabas na pahayag ng tatlong Ms. Earth contestants, iisa at magkakatugma ang kuwento nina Jaime VandenBerg ng Canada, Abbey-Anne Gyles-Brown ng UK at Emma Sheedy sa Guam sa sinapit nilang sexual harassment ng malibog na si Cruz.

Pero sa halip protektahan ang tatlong kalahok ay dinepensahan pa ng pageant organizer dito na si Lorraine Schuck ang manyakol niyang sponsor.

Dapat paimbestigahan ang malaking kalokahang nangyari sa nasabing event para makabangon ang bansa na kinaladkad ni Bing Libog sa matinding kahihiyan.

Pati si Digong ay damay na sa isyu dahil kumalat na larawan sa social media kasama si Cruz.

Lumilitaw sa magkakaparehong kuwento ng mga kandidatang biniktima ni Bing Libog na may malaking scam sa patimpalak na nakasalalay ang panalo sa impluwensiya ng sponsor imbes sa kuwalipikasyon.

Hindi kaya ginagamit ng organizer na si Schuck ang Ms. Earth sa isang modus ng prostitusyon ang mga kalahok, kapalit ng malaking sponsorship mula sa mga DOM na tulad ni Bing Libog?

‘Yan ang ating abangan!

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09166240313. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG
ni Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *