Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ate Vi, ayaw na ng malakihang birthday celebration

THANKFUL naman si Ate Vi (Vilma Sanos) sa rami ng nakaalala at bumati sa kanya noong birthday niya. Kahit na nga medyo malayo dahil gusto nga niya ng isang pribadong family celebration lamang, natanggap naman niya ang lahat ng mga ipinahatid na pagbati sa kanya. Noong magbalik naman siya kinabukasan pagkatapos ng kanyang birthday, nakahanda na sa kanyang mesa ang lahat ng mga write up at mga diyaryo na nabasa niya ang mga nasabi tungkol sa kanya.

Very thankful din si Ate Vi na nauunawaan naman siya ng mga tao roon sa kagustuhan niyang magkaroon na lang ng isang simple at private cele­bra­tion.  ”Sa totoo lang na­man nga­yon ko lang nae-enjoy ang birth­day ko. Hindi kagaya noon na pagod na pagod talaga ako,” sabi niya.

Siguro nga hindi na rin siya sanay doon sa malalaking activities kagaya noon. Noon kasi may panahon pang gustong gawin ang kanyang birthday celebration sa Luneta para lang mapagbigyan ang lahat ng mga fan na gustong magpunta. Hindi na nga lang napayagan iyon dahil natakot din sila na maraming masisirang halaman kung dadagsa nga ang  fans.

“Pero hindi mo rin maiwasan eh. May mga taong kahit na tapos mo na ang birthday mo, bigla na lang darating para bumati kagaya nga sa Batangas, kailangan din naman na i-entertain mo sila. Iyong mga Vilmanian nga sinasabi ko at saka na lang dahil maraming trabaho. Isabay na lang nila sa Christmas iyong party namin tutal naman malapit na,” sabi niya.

Nagkaroon ba siya ng particular wish noong birthday niya?

“Honestly para sa sarili ko wala na akong maisip. Palagay ko naging masyado nang mabait ang Diyos sa akin. Ang ipinagdarasal ko na lang ngayon, sana mas maging maayos ang buhay nating lahat. Maski ako nadarama ko iyong hirap ng buhay. Iyong pamalengke ko rati for one week, ngayon apat na araw na lang ang itinatagal niyon. At saka sa ating industriya, parang nagkakasunod-sunod naman yata ang nawawala, sana naman hindi ganoon,” sabi lang ni Ate Vi.

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …