Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Christian Bables Cora Waddell
Christian Bables Cora Waddell

Christian at Cora, maganda ang chemistry sa pelikulang Recipe for Love

MAGANDA ang chemistry nina Christian Bables at Cora Waddell sa pelikulang Recipe for Love ng Regal Entertain­ment na showing na sa Novem­ber 21. Parehong maganda at guwapo sina Cora at Christian at bagay sa mga ginampanang papel sa pelikulang ito na mula sa pamamahala ni Direk Jose Javier Reyes.

Alamin ang mga lihim na sangkap sa isang healthy relationship sa pelikulang ito sa pinakabagong pelikula ng multi-awarded actor na si Christian at Pinoy Big Brother Lucky 7 ex-housemate na si Cora.

Ang Recipe For Love ay kuwento ni Calix, ang chef ng isang upscale Filipino restau­rant. Dito niya makikilala si Val, isang food blogger na nagna­nais na maging editor ng magazine.

Hindi man maayos ang pagkakakilala nila, unti-unting mahuhulog para sa isa’t isa sina Calix at Val. Kalaunan, tulad ng niluluto at sinusuri nila, matu­tuklasan nina Calix at Val ang magkakaibang lasa ng pagka­karoon ng relasyon, tulad ng kapaitan at tamis nito. Ngunit magkakaroon pa rin sila ng mga perpektong recipe para sa pag-ibig upang manatili silang magkasama.

Ipinahayag ni Christian na malapit sa kanyang puso ang comedy. “Hindi malayo sa akin. I must say ‘yung sense of humor ko malakas din naman talaga. Mahilig akong magpatawa sa mga kapatid ko, sa mga kaibigan.

“Hindi naman ako nangapa sa pagbitaw ng punchlines. It’s something that’s part of me,” saad ni Christian.

Aminado naman si Cora na sobrang saya niya nang napiling maging leading lady sa pelikulang ito. “Sa Recipe for Love, iyon ‘yung Cinderella moment ko talaga. Masaya na akong maka­sama sa isang pelikula, pero noong sinabi nila sa akin na eto na, you’re gonna be a leading lady, halos gusto ko nang umiyak, ‘di ako makapaniwala na nang­yayari ito.”

Nagbigay pa nang kaunting patikim si Cora sa kanilang pelikula. “It’s a RomCom I would say, it’s a romantic movie, pero it’s deliciously appealing. Hindi lang tungkol sa love or sa relationship, o sa trabaho, pero it’s a foodie movie. At foodie talaga ako at heart, I love to eat.

“Kaya tuwang-tuwa ako sa movie na ito, kasi it’s really featuring Filipino cuisine na may story line rin. So, kakaiba siya and I’m very excited about it, kung paano tatanggapin ng audience,” sambit ni Cora.

Tampok din sa Recipe for Love sina Myrtle Sarrosa, Sophie Albert, Enrico Cuenca, Agot Isidro, Bing Loyzaga, at Ogie Diaz.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …