Monday , December 23 2024

‘Tatlong Itlog’ na ‘collect-tong’ ng ‘tara’ sa Bureau of Customs: “Abu,” “Santi,” at “Loy Dy Kiko”

NAPAKAGANDA ng mensahe ni dating AFP chief-of-staff at bagong Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero na kanyang binigkas sa flag raising ceremony ng mga kawani ng Bureau of Customs nitong Lunes.

Nagbabala si Guer­rero na hindi niya papa­yagan na sirain ninoman ang pangalan at mabuting reputasyon na kanyang inalagaan sa loob ng 30 taon na bukod-tanging maipamamana niya sa kanyang mga anak.

May panawagan si Gurrerro sa mga kawani ng Customs, aniya:

“Let us serve with honesty and integrity. Let us keep the dignity and nobility of public service. I will use the full extent of the powers and authority given to me as your commissioner to make sure that I will accomplish my mission.”

Sino ba naman ang hindi naghahangad na malipol ang talamak na katiwalian hindi lamang sa Customs, kung ‘di sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan?

Kaya nga kahit parang sirang-plaka at paulit-ulit na nating narinig ang mga sinabi ni Guerrero sa mga sinundan niyang liderato ay umaasa pa rin tayo na balang-araw ay baka sakaling mag_katotoo ang matagal nang inaasam na reporma sa Customs.

Nais din daw niya na sa kanyang ipatutupad na paglilinis sa katiwalian ay matuldokan ang kalakaran ng ‘tara’ o ‘lagayan’ na hindi nagawang masawata ng kanyang mga sinundan sa Customs, ang sabi ni Guerrero:

“But the fight against corruption and cleansing of the BoC of corrupt officials will be my top priority as your commissioner. For this reason, it is ordered that we put a stop to the ‘tara’ (bribe per container) system and other means of soliciting or receiving (bribe) money for transactions in the bureau.”

Puwes, kung talagang totohanan at mahigpit ang ilulunsad na hakbang para masugpo ang ‘tarahan’ ay umpisahan nang ipatugis ni Guerrero sa kanyang mga mapagkakatiwalaang tauhan ang tinaguriang ‘Tatlong Itlog’ na matagal nang nama­mayagpag sa Customs.

Ang Tatlong Itlog na ating tinutukoy ay sina alias “Abu,” “Santi,” at “Loy Dy Kiko” na kumukolekta nang limpak-limpak na tara sa mga smuggler sa ngalan ng Office of the Commissioner (OCOM) at dating deputy commissioner.

Sakaling hindi pa alam ni Guerrero, ang tatlong “collect-tong’ ay nagpasasa nang todo-todo at walang prenong pangongolekta ng tara sa loob nang mahabang panahon.

At para sa kaalaman ni Guerrero, nagamit ng tatlong mandurugas sa pangongolekta ng tara sa nakaraang administrasyon sina dating com­missioner Ruffy Biazon at deputy commissioner Jesse Dellosa.

Pero ang kanilang collect-tong activities ay hindi nagtapos sa nakaraang administrasyon kung ‘di naipagpatuloy ng mga damuho ang pango­ngo­lekta ng tara hanggang sa kasalukuyang admi­nistrasyon.

Nagamit din ng tatlong damuho sa ‘tongpats collection’ ang OCOM sa panahon nina noo’y commissioners Nicanor Faeldon at Isidro Lapeña.

Saka lamang tayo bibilib kay Guerrero kapag nagawa niyang masawata sa kanilang criminal activities ang tatlong hindoropot na sina Abu, Santi, at Loy Dy Kiko na pasimuno ng tara para sa OCOM.

Magiging kapani-paniwala lang ang sinasa­bing kampanya ni Guerrero na lupigin ang tara kapag ang tatlong itlog na pangunahing sindikato sa Customs ay kanyang naipadakip at naipa­kulong.

Pero habang patuloy ang pamamayagpag nina Abu, Santi, at Loy Dy Kiko sa pangongolekta ng tara para sa OCOM, tiyak na mabibigo rin si Guerrero sa kanyang misyon at matutulad din sa kanyang mga sinundang liderato sa Customs.

Ang tara ay kadikit ng smuggling pero bakit hindi yata kasamang nabanggit ni Guerrero sa kanyang kanyang talumpati?

Imposible naman yata na mawala ang tara pero tuloy ang smuggling?

Gano’n pa man ay bigyan muna natin ng pagkakataon si Guerrero na patunayan ang kanyang kakayahan at baka sakaling naiiba siya sa mga dating namuno sa Customs na kanyang sinundan.

Sa ngayon ay good luck na lang sa inyo, Comm. Guerrero, sir!

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09166240313. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG
ni Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *