Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kyline Alcantara
Kyline Alcantara

Kyline sunod-sunod ang awards at projects sa GMA-7, may bago pang endorsement

PATULOY ang pagdating ng kaliwa’t kanang blessings sa maganda at talented na Kapuso teenstar na si Kyline Alcan­tara. Katatapos lang ng TV series na Kambal Karibal na pinagbi­da­han nila nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali, may kasunod agad siyang project sa GMA-7, ang Studio 7. Napapanood din si Kyline sa Sunday PinaSaya.

Si Kyline ay tampok din sa bagong serye sa GMA-7 titled Inagaw Na Bituin na pinag­bibidahan nila ni Therese Malvar. Tampok din sa serye sina Angelu de Leon, Marvin Agustin, Sun­shine Dizon, Gabby Eigenmann, Angelika Dela Cruz, at iba pa.

Naiiba raw ang seryeng ito dahil may pagka-action. Kombi­nasyon nina Nora Aunor at Vilma Santos ang peg daw dito nina Kyline at Therese. Si Therese daw si Nora at siya naman si Vilma. “Parang younger version po nila kami and I’m just so happy po. We’ll promise po na gagalingan po namin ni Therese,” saad ni Kyline.

Matapos manalo ni Kyline sa 32nd Star Awards for TV ng Philippine Movie Press Club (PMPC) last October 14, nanalo rin siya recently ng bagong acting award, ang Best Actress in a Supporting Role sa first Asian Academy Creative Awards (AAAs) via Kambal Karibal mula GMA Network. Kaya nagdiwang nang husto ang sandamakmak na fans ni Kyline sa mga parangal sa kanilang idolo.

Samantala, bagay sa pagi­ging simple ni Kyline ang tagline ng bagong produktong ini-endorse niya, ang Symply G Hair and Skin Care na pag-aari ni Mr. Glen Sy. Simpleng ganda, mala­kas ang dating. Ganyan ituring si Kyline ng kanyang mga Sun­flower (tawag sa kanyang fans/followers). At ito rin naman ang gusto ng batang aktres dahil ‘ika nga niya, hindi siya maarte.

“Mas gusto ko po talaga ang simpleng ganda,” giit niya na tagline rin ng kanilang produk­tong Symply G na gumagawa ng moisturizing soap, whitening soap, keratin shampoo at conditioner with camella oil at aloe vera and non-greasy with Sunblock, at SPF 20 moisturizing and whitening lotion.

Sa totoo lang, hindi na mabilang ni Kyline ang mga pro­duktong ini-endorse niya. Kaya naman sobra-sobra ang katu­waan niya na nadaragdagan ang mga produktong nagtitiwala sa kanya. “I feel so honored dahil pinagkakatiwalaan na nila ako para maging ambassadress ng kanilang product,” aniya sa paglulunsad sa kanya bilang ambassadress ng Symply G. “And ipina-promise ko rin sa kanila na gagawin ko ang lahat para mai-spread ang news na mayroong product na ganito, Symply G.”

Nag-release din si Kyline ng kanyang self-titled album at naging matagumpay ang concert niya sa Sky Dome. Ini-release rin ang music video ng carrier single niya na Fake Love kaya walang dudang isa si Kyline sa hottest young stars ng bansa ngayon na kinaiinggitan ang husay at popularidad.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Shara Dizon, mean girl sa pelikulang Class of 2018

Shara Dizon, mean girl sa pelikulang Class of 2018

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …