Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sharlene San Pedro Nash Aguas
Sharlene San Pedro Nash Aguas

Nash Aguas at Sharlene San Pedro, tampok sa Class of 2018

TATAMPUKAN nina Nash Aguas at Sharlene San Pedro ang latest offering ng T-Rex Entertainment na pinama­ga­tang Class of 2018. Ang pelikula ay isang teen horror-thriller na pinamahalaan ni Direk Charliebebs Gohetia.

Ang T-Rex Enter­tain­ment, ang nasa likod ng mga peliku­lang Patay na si Hesus, Deadma Walking, at Bakwit Boys.

Palabas na ang Class of 2018 sa mga sinehan sa November 7 at tampok din dito sina CJ Navato, Kristel Fulgar, at Kiray Celis.

Ang pelikulang ito ang biggest starring roles ng tambalang Nash at Sharlene, pati na nina CJ at Kristel.

Ayon kay Sharlene, hindi siya makapaniwala na pagbibi­dahan niya ang isang pelikula kasama si Nash.

“Never ko na-imagine sa life ko na magkaka-movie poster kaming dalawa (ni Nash).”

Thankful din ang dalawa sa pagkakaroon ng chance na sumabak sa action scenes sa pelikulang ito.

Sambit ni Nash, “Siyempre kinabahan tapos unti-unti na nan­doon na ang pressure. Pero at the same time, nanaig iyong excitement kasi bagong plot, bagong istorya, at hindi pa nagagawa sa Filipinas.”

Dagdag niya, “Bata pa ako gusto kong ma­ging action star nang palihim. At kapag may mga fight scene tu­wang-tuwa ako, give na give ako. Nakatutu­wa rin in a way, na-showcase iyong mga action ko,” sambit ni Nash.

Wika naman ni Shar­lene, “Sumabak agad ako sa action scene nang simula pa lang, first day pa lang. Ito bale ang masa­sabi kong pina­kamahirap na ipina­gawa sa akin ni direk. Kumbaga, unang shoot pa lang ay mabigat na agad iyong eksena.”

Ang istorya nito ay nagsi­mula nang ang Section Zamora ay nagkaroon ng mys­terious virus ha­bang nasa field trip. Ang section nila na binubuo ng 24 students ay na- quarantine ng mga militar sa isang aban­do­nadong facility. Ang mga estu­dyanteng sina Ada (Sharlene), RJ (Nash), Princess (Kristel), Migs (CJ), at Venus (Kiray) ay kai-langang makipagl­aban para sa kanilang survival, habang hina­harap nila ang delika­dong virus at ang mga kaklaseng hindi mapag­kakatiwalaan.

Kasama rin sa casts ng Class of 2018 sina Yayo Aguila, Adrian Alandy, Dido dela Paz, Alex Medina, Sherry Lara, Michelle Vito, Ethan Salvador, Jomari Angeles, Kelvin Miranda, Nikki Gonzales, Lara Fortuna, Aga Arceo, Shiara Dizon, Hanna Francisco, Justin de Guzman, Dylan Ray Talon, Micah Jackson, Jude Matthew Servilla, John Vic De Guzman, Yvette Sanchez, Jerom Canlas, at Noubikko Ray.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …