WOW! Nabuhay muli ang Imus Productions na binansagang ‘home of action movies’ ng Icon na si Ramon Revilla Sr. or Don Ramon. Senator Ramon, ang Agimat King. Basta artista malapot ang dugong artista na dumadaloy sa angkan ng Revilla family. Kesehodang payat o mataba, maliit o matangkad, ay malakas ang kaway ng showbiz.
Kaya ilang taong nawala sa sirkulasyon ang Imus Productions dahil maraming pagsubok ang nangyari sa mga Bautista-Revilla family. Sa awa ng Diyos, ang lahat ng pagsubok ay nalagpasan na nila. Kaya heto na, buhay na buhay na at gagawa ng maraming pelikula ang movie outfit and of course, maraming magkakaroon ng trabaho at kahit paano, malaking tulong sa mga pamilya ng ilang mga co-worker sa showbiz na karamihan ay ilang taon ding nabakante.
Mismong ang poging aktor na si Senator Bong Revilla, ang kanilang amang si Don Ramon, mga kapatid na sina Marlon, Andeng Ynares, at Princess Revilla ang nasa likod ng pagsisimula ng Imus Productions. Ang first movie na ipalalabas ay sa October na ang playdate entitled, Tres, isang trilogy movie na Revilla children ang magbibida, na wala kang itulak kabigin dahil puro mga pogi like Luigi, look-a-like ni Sen Bong sa Amats with his leading ladies na sina Assunta de Rossi at Myrtle Sarrosa, directed by Dondon Santos; 72 Hours ni Vice Gov. Jolo with Rhian Ramos, Bacoor Mayor Lani Mercado, Albert Martinez, Phillip Salvador, at Tirso Cruz III, directed by Dondon Santos, at ang Virgo ni Bryan with Carla Humphries at Joey Marquez under the helm of Richard Somes.
Regarding Luigi, kahit saang anggulo mo sipatin pogi talaga siya, petite, flawless only 26 years old, sa Ateneo siya nagtapos ng elementary at high school. Sa isang international school naman siya nagtapos sa Taguig City ng Degree in Entrepreneurship.
(LETTY CELI)