Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Regine Velasquez
Regine Velasquez

Regine, naghahanap ng show na mailalabas ang pagiging singer

HINDI na kailangan pa ang kung ano-anong alibi na kesyo hindi kasi isinali si Regine Velas­quez sa isang bagong show sa kanilang network, talaga namang noon pa ay sinasabing lilipat na si Regine ng network. In fact ilang buwan na ba ang nakaraan nang magpaalam siya sa mga kasama niya sa isa nilang show, at inamin niyang tatapusin na lamang ang final episode ng isa pa niyang show at aalis na.

Hindi rin naman iyan ang first time na nagtangkang umalis si Regine. Nangyari na rin iyan noong araw at talagang desidido na nga rin siyang umalis pero nagkaroon ng kaunting problema at umurong siya, tapos nag-deny din naman ang ABS-CBN na inalok nila si Regine.

Wala rin namang ipinagkaiba sa ngayon dahil wala ring sinasabi ang ABS-CBN na may offer sila o nakikipag-usap na sila kay Regine.

Kung lumipat man si Regine ng network, hindi mo siya masisisi dahil siyempre naghahanap din siya ng TV show na hindi lamang magbabayad sa kanya kundi mailalabas niya ang kanyang talents. Alam naman natin na isang singer si Regine. Natural naghahanap siya ng show kung saan siya pakakantahin. Hindi naman siya kusinera para paglutuin, o gawin na lamang host ng isang musical show. Hinahanap niya iyong siya naman ang pakakantahin. Baka nga naman makalimutan na ng tao na singer siya at hingan na lang siya ng recipe kung ano ang iluluto nila.

Hindi mo rin naman masisisi ang network, dahil siguro sa tingin nila ay hindi maganda ang isang musical show. In fact ilang taon din naman nilang sinugalan ang isang musical program, hindi halos sila makabangon. Noong gawin nilang comedy iyon, nakalaban na sila nang husto. Paano mo naman aasahang gumawa sila ulit ng isang musical variety show sa ganoong time slot?

Kanya-kanya lang namang katuwiran iyan eh.

HATAWAN
ni Ed de Leon


Jake Zyrus, tinawag na ‘evil queen’ ang inang si Racquel
Jake Zyrus, tinawag na ‘evil queen’ ang inang si Racquel
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Vice Ganda, Ion Perez pinaghahandaan pagkakaroon ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SINABI ni Vice Ganda, sa isang panayam na willing sila ni Ion Perez na …

James Reid Nadine Lustre Jadine

Nadine ayaw na nga bang makatrabaho si James?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAALIW naman kami sa latest interview kay Nadine Lustre. Bukod sa pagiging consistent …