“Ipinapatupad ko lang ang mga kautusan ng Senado. Hindi si Trillanes ang pinoprotektahan ko. Ang dignidad ng senado ang pinoprotektahan ko”
— Hon. Tito Sotto
Senate President
SA Krisis na kinakaharap ni Senador Antonio Trillanes IV, bilang miyembro ng Senado, ginagawa ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III ang kanyang trabaho. Hindi pinoprotekhan ni Sotto ang kapwa niya senador, ipinatutupad lang niya ang polisiya ng senado at pinoprotektahan niya ang dignidad ng institusyon bilang lider.
May tamang panahon para malutas ang problema ni Senador Trillanes. Isa pa, huwag masyadong mainip ang mga umeepal, hintayin n’yong dumating sa bansa si Pangulong Rodrigo Duterte para maresolba ang isyu na ‘yan.
“For the info of the ‘know it alls’ – JPE and other senators who have warrants of arrest were never allowed to be arrested in the Senate. I know the history in the Senate since 1987. There was an attempt before, yes, but never consummated. Maraming masyadong epal e hindi alam ang history. Ipinapatupad ko lang mga kautusan ng senado. Hindi si Senator Trillanes ang pinoprotektahan ko. Ang dignidad ng senado ang pinoprotektahan ko,” sagot ni Senate President Tito Sotto.
*****
Tulad ni Senate President Tito Sotto, isa rin si congressman Robert “Ace” Barbers, ng ikalawang distrito ng Surigao del Norte, sa mga sumusuporta kay Pangulong Rodrigo Duterte sa kampanya sa ilegal na droga sa buong Filipinas. Isa kasi iyon sa magandang plataporma ni President Digong, kung kaya’t nakaabot siya sa palasyo ng Malacañang.
Isa sa may karapatan si Barbers na maging Senador kasi bukod sa nagtapos sa De La Salle University, hindi rin mabilang ang naipasang batas ni Barbers sa Kongreso na nakatulong sa mga Filipino.
Basta Barbers, maging sino ka man tutulugan ka niya. Basta’t sa abot lamang ng kanyang makakaya.
*****
Ang portion na Juan for All, All for Bayanihan of the People ay patok sa mga kababayan natin.
Bawat barangay na napupuntahan ng Eat Bulaga sa buong bansa ay nabibigyan ng kasiyahan at malalaking papremyo para sa mga kababayan natin na masuwerteng nabubunot. Tulong ng number one noon time show ‘yan sa mga kababayan natin.
Kaya suportahan po natin ang EB sa araw-araw sa estasyong may puso. Ano pa, e ‘di GMA 7!
PALABAN
ni Gary P. Sta. Ana