Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nikko Natividad at Alex Medina, gaganap na lovers sa Ipaglaban Mo

MAPAPANOOD ang Hashtag member na si Nikko Natividad sa Ipaglaban Mo ng ABS CBN ngayong Sabado. Excited na sinabi niya sa amin na ibang Nikko ang mapapanood sa kanya rito sa episode na pinamagatang Umasa.
Pahayag ni Nikko, “Sa Sabado po, first major role ko sa Ipaglaban Mo. Dito ay ibang Nikko rin po ang makikita nila.
“Nasanay kasi ang supporters ko na kapag Nikko ang napapanood nila, comedy ang role. Pero rito sa episode sa Sabado, seryosong aktingan at iyakan ang mapapanood nila. Ang bida rito ay si Alex Medina, isa siyang transgender at ako ang boyfriend niya.
“Abangan po ninyo ang pag-arte ko ng drama rito. hahaha!” Pabirong saad ng Kapamilya actor/TV host/dancer.
Aminado si Nikko na nailang siya kay Alex dito, lalo’t may sweet moments sila rito ng aktor. “Noong una siyempre medyo na-intimidate ako dahil seryoso siyang tao. Pero noong nakapag-start na kami, nakapag-loosen up na kami pareho, naging okay na. Kailangan na mag-focus talaga, lalo na po at marami kaming sweet na eksena rito ni Alex.”
Hindi ba siya nailang sa mga eksenang kailangan ng sweet moments nila ni Alex?
Tugon ni Nikko, “Hindi po, kasi natuto na ako na dapat sa mata lang tumingin. Saka kapag nailang ako, hindi ko matutulungan si Alex sa gay role niya.
“Mula noong na-try ko ang Bakwit na serious ang role ko, nagustohan ko na siya at interesado na talaga po ako.”
Abangan ang Ipaglaban Mo ngayong Sabado, 3:15pm, pagkatapos ng It’s Showtime. Tampok din dito sina Juliana Parizcova, Kakai Bautista, Ana Abad Santos, Henz Villaraiz at Maika Rivera, sa direksiyon ni Chiqui Lacsamana.
Sa ngayon ay kaliwa’t kanan ang projects ni Nikko. After ng Bakwit Boys, ipapalabas na rin ang isa pa niyang pelikulang The Hopeful Romantic sa Sept. 12. Ito ay pinagbibidahan nina Pepe Herrera at Ritz Azul.
Bukod sa paglabas ni Nikko sa Umagang Kay Ganda at It’s Showtime, isa pang blessing na dumating sa kanya ang pagiging bahagi ng FPJ’s Ang Probinsyano. Kaya naman sobrang thankful ni Nikko sa bida ritong si Coco Martin.
Nabanggit niya na masaya siya sa takbo ng kanyang career ngayon. “Satisfied po, kasi hindi man ganoon kabilis pero masasabi ko na papataas po ‘yung… kunwari, nakakaipon ako, hindi papabawas, nakapagpupundar ako kahit unti-unti,” saad ni Nikko.
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …