Friday , November 15 2024

Puwede bang bawiin ang amnesty o hindi?

‘YAN ang kuwestiyon matapos ipawalang-bisa ni Pang. Rodrigo “Digong” Duterte ang amnestiya na iginawad ni dating Pang. Noynoy Aquino kay Sen. Antonio Trillanes IV no­ong January 2011.

Hindi raw kusang humingi ng amnesty at hindi umamin sa kan­yang mga kasalanan sa na­gawang krimen si Trillanes sa magka­hi­walay na Oak­wood Mutiny noong 2003 at kudeta sa Manila Peninsula taong 2007.

Ayon kay Deparrtment of Justice (DOJ) Sec. Menardo Guevarra, hindi malinaw ang paghingi ng tawad ni Trillanes sa nagawang kasalanan na dapat ay expressly – ibig sabihin ay letra por letra dapat na nasasaad sa paghingi ng amnesty.

Kaya’t ab initio o sa simula pa lang ay walang bisa ang iginawad na amnestiya ni PNoy kay Trillanes sa ilalim ng Proclamation No. 72 noong 2010.

Sa bisa ng Proclamation 572, ipinag-uutos din ang pagdakip kay Trillanes at inaatasan ang Department of Justice (DOJ) at Armed Forces of the Phils. (AFP) na isailalim siya sa military court marshal para litisin sa mga kasong kriminal at administrabo kaugnay ng dalawang nabanggit na pangyayari.

Gaya nang inaasahan, pagalingan na naman po ang mga dakilang abogado sa isyu na may magkakaiba at salungatang interpretasyon sa Proclamation No. 572 na nilagdaan ni Pres. Digong.

May nagsasabi na walang katotohanan na hindi nakompleto ang rekisitos sa pagkakagawad ng amnestiya kay Trillanes.

Katunayan daw, bandang alas-2:00 ng hapon noong January 6, 2011, si Trillanes at 18 pang Magdalo officers ay nagsumite ng kanilang application forms sa Department of National Defense (DND) sa Camp Aguinaldo, Quezon City para sa paghingi ng amnestiya.

Ibinase raw ng mababang hukuman ang pagbasura sa mga kaso ng kudeta ay ibinase sa iginawad na amnestiya sa kanya.

Ang pagkakaloob ng amnesty, tulad ng pardon – na kung tawagin ay executive clemency – ay  kapangyarihan ng isang nakaupong pangulo sa ilalim ng batas.

At may mga kondisyones o mga batas na gumagabay sa paggamit ng executive clemency  – paggawad ng amnesty at pardon – na dapat sundin ang sinomang pangulo.

Kahit pa kilalanin ng hukuman ang iginawad na amnesty kay Trillanes ay may kapangyarihan pa rin ang ibang pangulo na bawiin ito kapag may nalabag sa kondisyones na itinatakda ng batas.

Gano’n din ang matagal na nating sinasabi sa ating programa sa radyo tungkol sa presidential pardon na maaring bawiin o balewalain kapag may nalabag sa kondisyones, ayon sa batas.

Ngayon lang kasi sa kasaysayan nangyari na may binawian ng amnesty pero hindi nanga­ngahulugang mali ang Proclamation 572.

Sa magagaling na nag-aabogado kay Tril­lanes, simple ang katanungan na dapat sagutin:

May batas ba nagsasabi na hindi pwedeng bawian ng ibang pangulo ang sinomang naga­waran ng amnesty?

 

POLITIKONG ‘CHIC-BOY’

HINDI basta paniniwalaan ang kababalagahan sa katauhan na malaon nang itinatago ng isang dating mambabatas sa Metro Manila.

Paano nga ba naman panininiwalaan na ang politiko na nag-aambisyong makabalik sa puwesto ay may ‘pahid’ pala, gayong “Asiong Salonga” siya kung makaporma.

Nag-aalaga pala ng basketball team ang “chic-boy” na politiko, as in… puwede sa chicks, puwede sa boy.

Kasali sa liga na nilalahukan ng ilang lungsod sa Metro Manila ang baskeball team na kasali ang kanyang pinagkakaabalahang “boylet” na player.

Ang hindi lang natin alam ay kung bistado na ng sangganong tatay niya ang kanyang lihim na matagal na niyang itinatago.

Bukod sa pagiging abala sa pag-iikot para kumampanya sa muling pagtakbo sa 2019 elections ay malimit makita ang politikong chik-boy basta’t may schedule ng laro ang kanyang basketball team para shoot muna, bago dribol sila ng kanyang batang-batang player na papa.

Kilala kaya ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III ang nasabing politiko?

KALAMPAG
ni Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *