Friday , January 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Phil team, pinakamaliit na delegation sa ASIAD

READ: Pelikula ni Lamasan, tinatao, nakapagbibigay din ng maraming awards sa mga artista

NAPANOOD namin ang live telecast ng pagbubukas ng 2018 Asian Games sa Jakarta-Palembang, sa Indonesia. Medyo mas maaga ng kaunti lang naman, ang napanood naming live coverage sa pamamagitan ng video streaming sa internet, at saka tuloy-tuloy kasi walang commercials. Eh sa telebisyon, may mga bahaging napuputol dahil nagsisingit sila ng commercials nila.

Napakaganda ng kanilang ginawang opening. Nakagugulat lalo na ang ginawang pagsasayaw ng mahigit na 15,000 dancers, na nagsasayaw nang sabay-sabay. Matutuwa ka rin sa kanilang production presentation, lalo na ang entrance ni Presidente Joko Widodo ng Indonesia na dumating na nakasakay sa isang motorsiklo. Malakas ang hiyawan ng mga tao nang dumating siya sa stadium. Popular president din kasi si Widodo kagaya ni Presidente Digong.

Iyong fireworks, aba eh walang binatbat iyong mga nakikita nating isinasali pa sa contests dito sa ating bansa. Ang tindi ng ginawa nila, tiyak matindi rin ang gastos.

Pero siyempre pinanood namin iyan para makita ang Philippine team. Isa sa may pinaka-maliit na delegation ang Pilipinas, sinasabi nga ng ilang mga kritiko na ni hindi mo masasabing totoong Pinoy ang may dala ng ating bandera. Walang naipakita sa telebisyon na head of state, o sino mang mataas na opisyal ng pamahalaan na naroroon para sila bigyang suporta, kagaya ng ginawa ng iba.

Pero makikita mo sa mukha ng mga atleta, lalo na sa mukha ng chief of mission na si Mayor Richard Gomez na buo ang kanilang pag-asa na may mangyayari sa kanilang pagsaling iyan sa ASIAD.

Marami pa silang comment tungkol sa ating basketball team. Pasalamat na nga lang tayo na nakabuo tayo ng isang team, kung hindi mas malaking kahihiyan dahil kung nagkataon ngayon lang tayo mawawalan ng isang basketball team simula pa noong panahon ng Far Eastern Games noong 1913.

At matindi rin ang basketball team. Huwag na ninyong intindihin iyong mga “import”, pero iyong katotohanan na nariyan sina Chris Tiu at James Yap, malaking bagay na iyon para sa mga Pinoy.

 

 HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …