Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kris, nakabili ng bahay sa sobrang sinop sa pera

READ: Ria, may bonggang hosting job na kukunan sa HK

BONGGA ang Starstruck alumni na si Kris Bernal dahil sa 11 years niya sa showbiz, nakabili na siya ng bahay sa US na tinitirahan ngayon ng kanyang kapatid. Bukod pa rito ang bagong negosyo, isang Korean Restaurant, ang House of Gogi.

Ang dahilan kung bakit nagkaroon ng bahay sa USA at negosyo si Kris ay dahil sa pagiging masinop sa pera. Inamin ng dalaga na matipid siya kaya nakapag-save ng malaking halaga ng pera na mula sa kanyang trabaho.

Tsika nito sa isang interview, ”Hindi naman ‘yung biglang dumami ang pera ko. Hindi nila alam na sobrang tipid ko.

“Ang dami kong tinipid at tiniis para lang mabili ko ‘yung bahay, mapatayo ko itong House of Gogi.”

At sa pagkakaroon ng negosyo ay hindi naman nito basta-basta tatalikuran ang pag-aartista lalo na’t dito galing ang kung ano man ang mayroon siya ngayon. Katunayan, mayroon siyang bagong serye sa GMA 7, ang Mag-asawa, Magkaribal na magsasama sila ni Thea Tolentino.

Wala namang kinalaman ang chef-boyfriend-business partner niya sa paghinay-hinay sa showbiz. Wala siyang planong mag-asawa sa ngayon at hindi pa rin siya ready magpabuntis, huh!

“Hindi naman ako nagrereklamo na matagal akong nawalan ng series after ‘Impostora.’ Siguro, dumarating din ang time na parang nagsasawa ka na sa ginagawa mo!” diin ni Kris.

MATABIL
ni John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …