Friday , November 15 2024
The National Food Authority (NFA) rice warehouse photohographed in Quezon City, the Philippines, on Wedensday,march 9, 2011. Photographer: Edwin Tuyay/Bloomberg News

P11-M smuggled rice nasabat sa Davao Norte

NAKOMPISKA ng Philippine Navy ang 5,000 sako ng hinihinalang smuggled na bigas sa Davao Del Norte, nitong Sabado ng gabi.

Nitong Miyerkoles, nakatanggap ng ulat ang mga awtoridad na ibibiyahe ang bigas mula Zamboanga City patungo sa isang pribadong pantalan sa Maco, Compostella Valley, ayon kay Capt. Jose Ma. Ambrosio Espeleta, deputy commander ng Naval Forces-Eastern Mindanao.

Aniya, nasabat ng Task Force Seahawk ang M/L Sunlight na may karga sa naturang kontrabando bandang 5 nautical miles silangan ng Island Garden City of Samal, Davao del Norte.

“Wala silang dala na documents so we have to take them in dito sa Panacan [sa Davao City],” sabi ni Espeleta.

Tinataya aniyang P11 milyon ang halaga ng 250,000 kilo ng nasamsam na bigas.

Inamin ni Ahndun Amil, kapitan ng Sunlight, na ihahatid nila ang kargamento sa isang “Johak Sahid.”

Ito na aniya ang pangalawang beses na nag-deliver sila ng bigas sa Maco, makaraan silang magdala roon ng 7,000 sako ng bigas nitong Oktubre.

Iniimbestigahan ng National Food Authority at Bureau of Customs kung saang bansa nagmula ang bigas.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *