MAAARI nang simulan ng police personnel sa bansa ang kanilang Christmas shopping.
Ito ay makaraan ipalabas na ng Philippine National Police ang P4.4 billion year-end bonus para sa kanilang personnel.
Sinabi ni PNP spokesperson, Chief Supt. Dionardo Carlos, may kabuuang 191,480 active duty uniformed and non-uniformed personnel ang nakatakdang makinabang sa P4,429,302,582 fund.
Ayon kay Carlos, inilagay na ng PNP Finance Service ang pondo sa individual automated teller machine payroll accounts ng kanilang personnel sa Land Bank of the Philippines.
Aniya, ang year-end bonus ay kumakatawan sa katumbas na halaga ng isang buwan basic salary at mandated P5,000 cash gift mula sa national government.
Gayonman, ang year-end bonuses at iba pang insentibo ng PNP personnel na may nakabinbing kasong administratibo at kriminal, ay iniliban.
Sinabi ni Carlos, ito ay bahagi ng kanilang disciplinary policy.