Saturday , November 16 2024

Russia handang umayuda sa PH nuclear infra

INIHAYAG ng Rosatom, ang nuclear corporation ng gobyerno ng Russia, na handa silang tulungan ang Filipinas sa pagpapaunlad ng nuclear infrastructure sa bansa.

Ito’y sa ilalim ng isang memorandum of agreement o kasunduang nilagdaan nina Energy Secretary Alfonso Cusi at Nikolay Spasskiy, deputy director general for international relations ng Rosatom.

Nagkasundo ang dalawang panig na pag-aralan ang posibilidad na magtayo ng nuclear power plants sa Filipinas na may maliliit na nuclear reactor.

Susuriin din ang Bataan Nuclear Power Plant para tingnan kung maaari itong buksan at magamit. Itinayo ito noon pang 1970s ngunit hindi binuksan dahil hindi tiyak kung ligtas ito.

Bataan Nuclear Power Plant

Nilagdaan ang kasunduan kasabay ng 2017 Association of Southeast Asian Nations Summit na dinaluhan ni Russian Prime Minister Dmitry Medvedev.

Noong Mayo, pumasok din ang Rosatom at ang Department of Science and Technology sa isang kasunduan ukol sa pagpapaunlad ng nuclear infrastructure sa bansa.

PH INILAKO
NI DUTERTE
SA ASEAN
PARTNERS

HINIKAYAT ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga katambal na bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na maglagak ng puhunan sa Filipinas, makipagtulungan sa paglaban sa terorismo, patatagin ang kooperasyon sa komunikasyon, edukasyon, transportasyon, at enerhiya.

Sa bilateral meeting kamakalawa kay Indian Prime Minister Narendra Modi kamakalawa ng gabi, inanyayahan ni Pangulong Duterte ang mga negosyanteng Indian na magtayo ng pagawaan ng murang gamot sa Filipinas.

Pinuri ni Pangulong Duterte ang Indian-made Mahindra cars na ginagamit na pampatrolya ng Philippine National Police (PNP) ang 100 yunit nito.

Sa ASEAN – Japan Summit, hinimok ni Pangulong Duterte ang international community na manawagan sa North Korea na sumunod sa lahat ng obligasyon at kabuluhang resolusyon ng UN Security Council.

Nagpasalamat ang Pangulo sa Japan, Russia at lahat ng ASEAN members sa ayudang ipinagkaloob para magapi ng kanyang administrasyon ang ISIS-inspired Maute terrorist group.

Plano ng Pangulo na magtayo ng trade house sa Moscow upang paglagakan ng mga produktong Filipino.

Ayon kay Russian Prime Minister Dymitry Medvedev, layunin ng kanilang bansa na palawakin ang kooperasyon sa Filipinas sa larangan ng politika, trade and economy, culture, paglaban sa terorismo at aspetong teknikal.

Nilagdaan ng Filipinas at Russia ang Treaty on Mutual Legal Assistance in Criminal Matters at Treaty on Extradition.

Inaasahan din ang paggamit ng nuclear energy sa Filipinas dahil sa pagpirma sa Memorandum of Understanding on Cooperation between the Department of Energy and the State Atomic Energy Corporation “Rosatom” of the Russian Federation.

Hinimok ni Pangulong Duterte si South Korean President Moon Jae-in na imbitahan ang mga negosyante sa kanyang bansa na maglagak ng puhunan sa Filipinas sa larangan ng manufacturing, automotive, food production, processing, agribusiness, electronics at energy. (ROSE NOVENARIO)

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *