UPANG hindi maabala sa prehuwisyong dulot ng matinding trapik dahil sa pagsasara ng malaking bahagi ng EDSA para sa mga delegado ng ASEAN Summit, sumuway sa mga patakaran ang aktres at beauty queen na si Maria Isabel Lopez.
Sa posts na ibinahagi sa Facebook at Instagram, ikinuwento ni Lopez na tinanggal niya ang mga traffic cones na naghihiwalay sa ASEAN lane sa EDSA upang doon bumiyahe.
“MMDA thinks I’m an official ASEAN delegate. If you can’t beat ‘em, join them,” isinulat ni Lopez sa caption.
Umabot sa 5,000 reactions at mahigit 4,000 shares ang Facebook post ni Isabel.
Ayon sa isa sa mga namamahala sa seguridad ng ASEAN na si Catalino Cuy, hindi dapat tularan ang ginawa ng dating Binibining Pilipinas-Universe na si Lopez.
Ayon kay Cuy, buhay at seguridad ang nakasalalay sa pagsunod sa batas trapiko, lalo sa panahon ng ASEAN.
“We will not allow someone like her to simply put our
plans to naught,” dagdag ni Cuy.
Wala pang pahayag si Lopez hinggil sa insidente.