ARESTADO ang isang Indian national sa pagmolestiya sa isang 15-anyos dalagita, iniulat na nawawala makaraan dukutin sa Makati City, nitong Sabado ng madaling araw.
Kinilala ang suspek na si Raddy Krishna, inaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration – Fugitive Search Unit.
Si Krishna ay may warrant of arrest dahil sa umano’y pananakit at pagmolestiya sa dalagita noong 5 Enero
2016.
Ayon sa ilang saksi, dinukot ni Krishna at isa pang Indian national na si Maqsood Khan, ang menor-de-edad isang araw bago ang pagdinig sa korte noong 15 Hulyo 2016, hinggil sa kasong isinampa niya laban sa suspek dahil sa pangmomolestiya at pananakit.
Galit na galit ang nanay ng biktima nang makita ang suspek.
“Nasaan ang anak ko, saan mo nilagay? Nasaan? Saan mo inilagay anak ko?!?”
Todo-tanggi si Krishna sa paratang sa kaniya.
“I have never ever met this employee, as per se, in our records she’s never existed, she was never employed,” aniya.
Ngunit iniharap ng pamilya bilang ebidensiya ang company ID at pay slip ng biktima na naging empleyado siya sa kompanya ng mga suspek noong 2014.
Kasong kidnapping, sexual harassment at paglabag sa Labor Code dahil sa pag-empleyo ng menor de edad, ang kinakaharap ng suspek.