BUNSOD nang sunod-sunod na kaso ng budol-budol na karaniwang nambibiktima ng mga senior citizen, retirado, at overseas Filipino workers (OFW), nagpasya ang isang kongresista na imbestigahan ito sa Kamara.
Ang resolusyon ay inihain ni Negros Occidental Rep. Alfredo “Albee” Benitez.
Giit ni Benitez, panahon na para marepaso ang batas na sumasakop sa budol-budol para maitaas ang multa at parusa laban rito.
“The number of cases na narinig ko at nai-report sa ating media is already alarming. Gusto nating alamin kung bakit napakaraming nabibiktima pa rin at paramagkaroon ng public awareness,” ani Benitez.
Ayon sa National Bureau of Investigation (NBI) Special Task Force, 1990s pa nagsimula ang modus operandi ng budol-budol.
Bagama’t higit sa 20 na ang naaresto at nakasuhan nila, patuloy na namamayagpag ang ganitong uri ng krimen.