Saturday , December 21 2024
arrest prison

60 hubad-baro, tomador sa kalye arestado

UMABOT sa 6o katao ang nadakip sa Maynila dahil sa paglabag sa city ordinance gaya ng hubad-baro at umiinom ng alak sa publiko.

Sa inilatag na seguridad para sa ASEAN Summit, nagkasa ng operasyon ang Manila Police District sa Malate, nitong Biyernes ng gabi, at dinampot ang mahigit 60 katao na walang damit pang-itaas at umiinom ng alak sa mga pampublikong lugar.

Ayon sa ulat, ang dinampot ay kinabibilangan ng 20 nahuling walang suot pang-itaas, 38 umiinom ng alak sa pampublikong lugar, kabilang ang tatlong menor de edad, at 10 iba pa.

Inaresto rin ang number 3 most wanted ng Malate Police Station, na si Arsenio Quintana Jr., tinutugis sa kasong attempted murder.

“Nag-iinoman sila. After verification, nakita natin na mayroon pala siyang warrant of arrest,” ayon kay Chief Inspector Paulito Sabulao, commander ng Arellano PCP.

Ang mga lumabag sa ordinansa ay kinasuhan habang pinauwi ang mga sumailalim sa verification at natagpuang walang kaso.

“Itong aming operation na simultaneous anti-crime, law-enforcement operation ay in preparation sa ginaganap na ASEAN,” ani Quintana.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *