Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mga taga-That’s Entertainment may Reunion for Isabel

MAGSASAMA-SAMA sa isang ”reunion for Isabel” ang lahat ng mga dating nakasama ng aktres sa That’s Entertainment. Sa kanilang usapan, magkikita-kita ang lahat sa Sanctuario de San Jose sa Greenhills sa Biyernes, mula 6:00 p.m. hanggang hatinggabi.

Magsasama-sama rin silang maghahandog ng panalangin para sa yumao nilang kasama.

Siguro, sinasabi nga ng ilan sa kanila, iyan ang magiging pinakamalaking pagsasama ng lahat ng mga taga-That’s Entertainment pagkatapos ng naging wake rin ng master showman na si Kuya Germs.

Marami kasing naging kaibigan din si Isabel sa kanila kahit na nga hindi niya nakasama sa Tuesday group. Kasi nang malaunan, si Isabel naman ay naging co-host na ng Saturday Entertainment na nagkakatipon-tipon na lahat sila.

Lahat halos ay mayroon ding nasasabing mga alaala nila sa panahong nakasama nila si Isabel. May suggestion nga na siguro para malaman naman ng ibang tao ang mga iyon, baka maaaring magkaroon sila ng Necrological service para sa yumao nilang kasama, pero wala pang definite plans maliban sa magsasabay-sabay nga sila sa pagtungo sa burol ni Isabel upang makiramay. Gayunman, may nagsasabi ring bukod sa usapang iyon, gusto rin nilang makita agad ang aktres kaya siguro marami pa rin sa kanila ang darating na sa unang gabi ng lamay.

 Darating ang labi ni Isabel sa Pilipinas bago magtanghali ng Huwebes, dala ng kanyang asawang si Arnel Cowley. Sinasabing sa Qatar ay sumailalim na rin sa embalmment ang labi ng aktres dahil nagkakaroon na ng early signs of deterioration, kaya inayos na siya roon. Siguro sa pagdating niya sa Pilipinas ay aayusan siyang muli bago siya iburol sa Sanctuario de San Jose.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …